Landon and Reece 11

1498 Words
Difficult roads often lead to beautiful destinations - unknown *** " Ei... sigurado ka na ba Sis?" Napangiti ako ng tipid. Ramdam ko ang buntong hininga ni Noreen. "Andito na ito Noreen, hindi na ko pwedeng umatras" sagot ko habang nagliligpit ng gamit. Isinalansan ko iyon sa isang maleta. Napanguso siya. "Basta pwede bang wag mong babanggitin kahit kanino kahit sa Mama mo, lalong lalo na kay Lola at sa mga kapatid ko?" pakiusap kong tumango siya ng marahan. "So, hindi ka na pupunta dito?" "Dadalaw naman ako... pero yun na kasi ang pinag usapan namin" sagot ko. Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan niya. Tumigil akong nagligpit ng gamit na yumakap sa kanya. "Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko, nagpapasalamat ako na nakatagpo ako ng katulad mo, katulad ninyo ng Mama mo, daig ko pa ang may kapatid na babae sayo" ani ko. "Gusto ko mang tutulan ang plano mo, wala naman akong magagawa Sis" aniyang medyo nagaralgal ang boses. Napangiti ako. "Ayos lang ako, napaghandaan ko na ito" siguro ko. Tumango itong may pagtutol pa rin. "Magkikita pa naman tayo sa eskwelahan araw araw diba?" anyang parang bata. "Oo naman, saka dadalaw ako dito madalas kapag pwede" ani ko pang muli. "Tsk! Kailangan ba kasi talaga ito... yung ganito?" "Umayon na ako, handa na ako... sakabilang banda, maigi na rin ito, kaysa sa ibang tao ako nakipagkasundo" sagot kong hindi na siya nilingon. Hindi na siya umimik. Alam kong ayaw niya akong salingin or insultuhin. "Ang tapang mo Sis, ang swerte ng Lola mo sayo, mga kapatid mo" aniyang tumayong yumakap sa akin. Napangiti ako. "Pwedeng magtanong?" aniyang may alinlangan. Tumango akong bumaling sa kanya. "Hanggang kelan?" Napahinga ako ng malalim. "Sa usapan namin, hangga't kailangan niya ako at ganundin ako sa kanya" sagot ko. Tinanggal ko na ang kahit ang katiting na pride sa sarili. Napatango ito. "Sige, basta mag iingat ka, kapag may problema nandito lang ako at saka lagi namang bukas itong tinutuluyan natin para sayo..." aniyang humalukipkip pagkatapos. Napangiti ako. "Basta magtitiwala na lang ako kung anong plano mo" aniya pang muli. "Salamat Noreen" Hinatid ako ni Noreen hanggang sa pagsakay ng taxi. Napatingin ako sa labasan habang binabaybay ang papunta sa condo ni Sir Landon. Flashback Isang linggong mahigit na rin ang nakalipas pagkatapos operahan si Lola. Napag usapan namin na sa kanya ako tutuloy at uuwi na lamang sa bahay sa Laguna tuwing weekend or isa o dalawang beses kada linggo. Kung ibang tao ang makakaalam ng sitwasyon ko ay maaring hinuhusgahan na ako ngayon, wala akong pinagkaiba sa mga babae sa club na dati kong pinagtratrabuhan at mukhang mas malala pang pumayag akong ibahay ng isang kostumer. Pikit mata akong pumayag sa ganoong kasunduan. Malaki ang naging pangangailangan ni Lola at binayaran lahat iyon ni Sir Landon. "Hanggang kelan ito?" tanong ko kay Sir Landon ng nasa condo niya ko noong nakaraang linggo pagkatapos operahan ni Lola. "Hanggat gusto ko at hanggat kailangan mo ako" sagot niyang hindi ako tiningnan bagkus sa papel na pinirmahan ko. "Hanggang kelan iyon? May pangarap pa din ako sa buhay, magaabroad pagkatapos kong mag aral" matapat kong sagot. "Okay, let's see after two years" aniyang sagot. Marahil tinantua kung kelan ako magtatapos. Binasa ko ang nasa papel nakasaad doon ang magiging set up namin, walang dapat makakaalam sa kasunduan namin. "Do you have boyfriend?" kaswal na tanong niya. Napaangat ako ng tingin. "Break with him, ayaw ko ng may kahati sa oras mo. I don't share either" aniyang sabad bago pa ako nakasagot. Napahinga ako ng malalim. "Wala, wala akong kasintahan" sagot kong bumalik ang tingin sa papel. "Good" sambit niya. "You'll stay here for good... I mean hanggang matapos ang deal natin" "Kailangan kong umuwi ng Laguna isa o dalawang beses sa isang linggo" kontra ko. "Magtataka ang Lola at mga kapatid ko kung hindi ako uuwi" ani ko pang muli. "Okay" aniyang sabad. "Since, ikaw naman ang nagliligpit dito might as well ikaw na rin ang magprepare ng meals natin. Sa akin ang importante lang ay breakfast, bahala ka na kung magluluto ka ng lunch or dinner" aniya pang muli. "Nasa school ako sa tanghali, sabihan mo na lang ako kung kailangan kong magluto para sa hapunan, may pasok din ako Library na minsan umaabot ng gabi kaya madalas gabi na rin ako makakauwi" paliwang kong kumunot ang noo nito. "Scholar ako doon" paliwanag ko. "Libarary assistant din ako" dagdag kong tumango lang itong itinataktak ang ballpen niyang hawak. "Pwede ka ng hindi pumasok sa opisina"aniyang tumungong inilingan kong maalala ang tungkol kay Noreen. "Siyanga pala, wag ka sanang magagalit..." ani kong sumalubong muli ang kilay nito. Napalunok ako. "Alam kasi ng kaibigan kong matalik itong usapan natin" wika ko. "What?" "Kailangan kong sabihin ang totoo kundi maghihinala siya, ayaw kong siyang paglihiman dahil siya lang ang pwedeng magtakip sakin kapag nalaman ni Lola kung bakit wala ako sa tinutuluyan namin" paliwanag ko. Napabuntong hininga ito. "As long as wala ng ibang makakaalam, its fine with me" aniyang tinanguhan ko. "Here" aniyang nag abot ng sobre. Binuksan ko iyon. Mga cards na nakapangalan sa akin. "Ano ito?" "Debit card and credit card" tipid niyang sagot. Lalo akong nakadama ng panliliit sa sarili, napapikit akong napahilamos ng mukha...wala naman akong magagawa kundi tanggapin na ganito talaga, ang ibinenta ko ang sarili ko. "Para saan ito? Hindi ko naman ito kailangan" "Take it Reece, para sayo yan... you can use that anytime, tha'ts part of our deal" kaswal niyang sagot. "Pwede namang hindi na, nagtratrabaho na ako sa opisina mo, may natatanggap ako sa pagiging scholar ko, sapat na iyon para sa akin" ani kong ibinalik iyon sa sobre. "Reece... don't be stubborn, para sayo yan... I opened that account for you, gamitin mo" aniyang medyo irritable na ibinalik sa akin. "Kailangan ba talaga-" tanong ko sanang sumabad ito. "That's part of our deal!, just take it will you?"aniyang iritableng halata ang sobrang iritasyon. "Damn..." mahina nitong mura na huminga ng malalim bago bumaling sa akin. "Take it.... Gamitin mo kung saan mo gusto, may laman yan at lalagyan ko pa" aniyang hindi ako umimik. Kinuha ko iyon mula sa kanya. "Okay, I'm sorry... tumaas ang boses ko" aniyang medyo kumalma. Hindi ako umimik. "Just take it okay? If you're going to be my woman, susunod ka na lang... I can even-" aniyang sinabaran ko. His woman. "Hindi, okay na ako sa naging kasunduan natin" ani kong sumabad muli itong hindi ako pinatapos. "Kung ayaw mong pumasok sa opisina, okay lang sa akin, as long as nandito ka sa oras na gusto ko" aniyang diretso. "Papasok ako sa opisina mo, pagtratrabahuhan ko ang bawat sentimong sasahurin ko doon" matigas na sagot kong hindi siya umimik. Sandaling katahimikan ang namutawi sa amin. "One more thing, magpatingin ka sa OB-Gyne, it's your choice kung anong contraceptive ang gusto mo" kaswal nitong basag sa katahimikan. "Naka pills ako" sagot ko. "What?" "Nakapills ako kasi irregular ang period ko, kailangan ko iyon" paliwanag ko. "...at hindi mo kailangang sabihin sa akin, ayaw ko ring mabuntis, may pangarap pa ako" dugtong kong umiling ito. "Then, we're settled" aniya. "Saglit, paano ikaw?" "Anong ako?" "Ayokong mahawaan ng...ng.. STD" seryoso kong sagot na natawa ito. Nakadama ako ng iritasyon. "I'm clean babe " iling niyang ngisi. "Saglit...pwedeng magtanong?" baling ko. "Shoot" aniyang humalukipkip. "Bakit mo ito ginagawa?" lakas loob kong tanong. "It's a win win situation for us, you need me, I need you. Nagsasawa na akong may mga babaeng humahabol sa akin, ayoko ng commitment but I have needs too...this deal suits for both of us, no commitment, no emotional attachment" aniyang bumaba ng countertable. Napatango ako. Kasama iyon sa nakalagay sa papel na kasunduan lamang iyon. Mas palagay ako doon, dahil pagkatapos kong mag aral ay sisikapin kong makapagtrabaho at mamuhay ng matiwasay. Wala naman akong balak na manatiling ganito ng matagal, at isang trabaho lamang ito, wala ng iba. Inabot ko sa kanya ang pinirmahan ko. "U-uhm salamat nga pala sa pagpapagamot kay Lola" ani kong inabot nya ang papel. Ngumiti itong lumapit sa gawi ko. Inikot niya ang upuan. "Really?" "Huh?" "If you're that grateful, show me then" aniyang bulong na inihawak ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng inuupuan ko. Yumuko siya ng kaunti, at inangat ang baba kong mapatingala sa kanya. "Sagl-" protesta kong umakyat ang isang kamay niya sa batok kong lumapat ng mabilisan ang labi niya sa akin. Sumakop siya ng banayad na banayad, ramdam ko ang init ng hininga niyang halos mapasinghap akong hindi ako binigyan ng pagkakatong makahinga. Napakapit ako sa braso niyang umabante pa siyang pumwesto sa gitna na dalawang hita kong siya'y nakatayo at ako naman'y nanatiling nakaupo sa mataas na upuan ng countertable. "S-sir La-" ani kong napabuka ng bibig kong nagkaroon siya ng pagkakatong makapasok sa loob. "Landon lang , just Landon kapag tayong dalawa lang" bulong niya. *** Thanks for the votes and comments!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD