Chapter 4

2161 Words
“HAHAHA! Hello, Hana!” Mabilis na umahon si Hana mula sa tubig at sumugod kay Jarid, “Ngayon wala ka nang kawala!” Di naman nagtangka si Jarid na umiwas bagkus ay tumawa ito at nagsalita, “Ahm. Kung ako sayo, di yan ang uunahin ko.” Natigil si Hana at nangunot ang noo sa sinabi ni Jarid, “Anong ibig mong sabihin? Patay na ako di ba?” “Ah, kung patay ka na, dapat di ka dito sa Pagitan. Hindi ba?” Napanganga si Hana nang mapagtanto na kagaya ito noong unang mamatay siya, “So, ibig mong sabihin, may tyansa pa ulit ako?” “I told you, you’ve got a month! And besides, you have 17 tickets for re-life. You might want to hurry. You are asleep for a week, sayang naman.” Tumingin si Hana sa bracelet niya at nakitang nabawasan ito ng isang bato. “Ibig sabihin, may sixteen chance pa ako makabalik?” Tumango si Jarid. Masayang tumakbo si Hana sa dulong paroon kung saan naroon ang dalawang lagusan. Di na siya nag-abalang intayin si Jarid, tumalon na siya mag-isa. Pumikit siya at inintay ang pagkahulog niya sa kung ano mang anyo ang ipagkakaloob sa kaniya. Pagkalipas ang ilang mga minuto ay nagmulat na ang mga mata niya. Malabo man pero naaaninag niya ang masialw na ilaw mula sa kisame ng kwarto na kaniyang pinaghihigaan. Mabilis siyang bumangon sa sobrang saya, “YESSSSS!!!! I’m backKK!!!!!” Huminga-hinga pa mandin siya, ninamnam ang masarap na pakiramdam ng pagpasok ng hangin sa kaniyang baga.”"Ahh! Sarap ng hangin!” Pero agad na naglaho ang saya niya nang ma-realize niya ang mga mukha ng mga doctor at nurses na nakatingin sa kaniya. Bukod pa roon ay ang mga nakakatakot na mga mata na nakatingin sa kaniya mula sa grupo ng mga malalaking lalaki na mukhang mga gangsters. “A-Ah, naiihi ako!” sabi ni Hana at mabilis na tumakbo siya sa banyo pagtapos an hiklasin ang mga wires na nakadikit sa kaniya. Mabilis niyang sinara ang pinto nang makapasok sa banyo, ngumingiti-ngiti pa siya habang humahangos sa pag-aakalang nakatakas siya sa banta ng mga nakakatakot na tingin mula sa mga gangsters. “HA! Akala ko—AHHHHHHH!!” Napalitan ang mga ngiti niya ng takot dahil sa tumambad na itsura niya mula sa salamin. Bukod pa roon ay doon lang napagtanto ni Hana na napakalagong at nakakatakot ang boses niya. “Ang—ang....pangit...ko!!!!” nagsisisigaw na si Hana at pinag-susuntok ang salamin. Kaya naman natigil agad siya sa pagbukas ng pinto nang sipain ito ng isa sa mga lalaking gangsters mula sa labas ng banyo. “Boss anong problema? Doc, may problema si Boss!” malalim at malagong na sabi ng lalaking halos kamukha na ng itsura niya. Matangkad, kalbo, malaki ang mga pangangatawan, malaki ang tiyan, puno ng tattoo ang katawan. Marami ring hikaw sa ilang bahagi ng katawan. “Boss?” singhap ni Hana. Sa labas, pabagsak nabumukas ang pinto at ilan pang mga mga lalaki ang sumulpot na kasing itsura ng napasukan niyang katawan. “Yeah, this is happening!” bulong niya at sinapo ang mukha. Napatingin siya sa kaharap niya at kita niya na umiiyak ito, “Doc, nag-eenglish si Boss! Doc, anong ginawa ninyo? Doc baka may tama pa sa utak si Boss, buksan niyo ulit. Hindi pwede to, malaki ang binayad namin sa inyo. Hindi pwede to!” Nagwala na iyong lalaki at ang ilan pang mga lalaki kaya halos itaob na nila ang buong ospital. Ang mga doctor at nurses nagsisuksukanna sa gilid sa takot. “Labas!” sigaw ni Hana, sa boses ng Boss nitong mga lalaking wala siyang ideya kung sino ang mga ito. Sinubukan niyang sabihin ito ng pagalit at maawtoridad. Kinuha niya pa ang isang bubog at tinarget ang kaninang lalaki na sumunod sa kaniya sa banyo. Napatahimik ang lahat nang gumuhit ang bubog sa pisngi nito saka nadala ang hikaw at tumusok sa pader. Nanlaki ang mga mata ni Hana dahil di niya iyon sinasadya, parang dala lang ng emosyon niya o parang sanay na ang katawan niya. “BOSSS!!!” ngawa ng mga lalaki at nagtangkang dumugin siya pero agad na pinigilan niya ito. “LABAS!” sigaw ulit ni Hana. Nagsisunuran ang lahat saka mabilis niyang ni-lock ang mga pinto at dumausdos paupo sa pinto paupo ng sahig saka umiyak. Ang mga doctor at nurses, nagsipaunahang lumabas dahil sa reaksiyon niya. Sino ba namang hindi, sa laki at nakakatakot niyang itsura biglang maglulupasay sa sahig at iiyak na parang bata. Pinilit buksan ng mga doctor ang pinto pero naka-lock ang mga ito. “Help me!” ngawa ni Hana, mas naging pangit ang tunog ng boses nito. Tumayo siya at umupo, “Relax lang kayo, di ko naman kayo sasaktan, wala akong balak at lalong wala akong kakayahan! Maupo kayo, kailangan ko kayong kausapin!” Yong mga doctor at nurses, nanigas na sa may pinto, halos ayaw nang gumalaw. “Ano, inuutusan ko ba kayo?!” napakalakas nag boses ni Hana at isang hampas niya lang sa katabing table ay nahati ito. Gulat na gulat ang mga doctor kaya nagkukumahog ang mga ito na umupo sa harapan niya. “Malala ba akong estado ko?” tanong ni Hana. “A-ako?” uutal-utal na tanong ng doctor. “Ah oo, malamang! Ikaw ang doctor, di ba?!” “Ano—ano, we—wee have to ahm, we have to take more tests. After being in coma for three years, it’s a miracle. We have to see if your organs or your brain is doing ok after the collision even, we have already made a surgery.” Hirap na hirap na paliwanag ng doctor. “Ok!” buntong-hininga ni Hana. Napatayo ang lahat ng mga lalaki sa hallway paglabas ni Hana mula sa kwarto at nakasakay sa specialized wheelchair na hirap na hirap na tinutulak ng doctor na parang iiwan na ng bait. “Walang susunod! Mamaya ko na kayo kakausapin!” Mahigit ilang oras rin ang naging test kay Hana at laking gulat ng lahat ng mga doctor na nagtipon dahil lumabas ang result niya na sobrang lusog at wala kahit anong damage o trauma para tumugma sa nagiging reaksiyon o nangyayari sa kaniya ngayon. “Oh kamusta Doc?” nagpapahid pa ng luha si Hana saka humawi sa tenga ng imagination na buhok nang bumalik ang doctor kahit kalbo naman, nanginginig pa ang mga kamay sa takot. “Ah, it’s...” halos mahulog pa sa upuan itong doctor sa takot. “The result is beyond the answer of medical studies. You are healthy, no traumas, or complications. In fact, you can go home now. Though, we are still putting you into observation.” “Ah! Hm. Pero po kasi wala akong maalala sa kahit ano. Pakiramdam ko nga po ibang tao ako!” sabi ni Hana. Iyon lang ang naiisip ni Hana na idahilan para maging maayos ang pamumuhay niya kasama ng mga gangster family nitong lalaking napasukan niya hanggat di pa ulit siya namamatay. Tapos biglang nagliwanag ang mga mata ni Hana. “Kailangan ko lang mamatay,” bulong ni Hana saka masiglang tumayo. “Yes! I’m such a genius! Tell my men I have an amnesia! Or you know what will happen!” “Ah, opo. Yon rin po ang assessment ng maraming doctor sa peculiar na nangyayari sayo.” Sagot ng doctor. “Ok, uuwi na ako! Thanks for your job well done. Just in case I come back, make sure to do again a great job na buhayin ulit ako.” “PO?!” “Wala. Sige na ipaliwanag mo sa mga bata ko kung ano ang problema para di sila masyadong maguluhan. Kita mo naman, medyo maiinitan ang ulo ng mga tao ko!” preskong sabi ni Hana at naglakad na palabas, ang isang kamay nakapamulsa pa. Di nagtagal, lulan ng itim at magarang sasakyan, bumaba si Hana sa isang napakagandang mansion na di mo aakalain na mga gangsters ang nakatira dahil sa minimalist, malinis, at elegante. Sampo pang itim na sasakyan ang sunod-sunod na tumigil at mabilis na nagsilabasan ng kotse ang mga kalalakihan saka nagsisuguran sa kaniya para alalayan. “Alalayan si Boss, di pwedeng magalaw ang ulo niya. Madapuan lang ng lamok ang ulo niya, papatayin ko ang bantay niya!” banta nong lalaki na sumunod sa kaniya sa banyo. “Ah, di na kailangan. Ako nang bahala!” sabi agad ni Hana. Naglakad na siya at iniwan ang mga tauhan niyanng nakatanga. Nang makapasok sa loob, di inaasahan ni Hana ang pagsalubong ng daan-daang mga bata. “BOSS!” sigawan nila na agad na tumigil sa pagtakbo nang tila dalawang feet na lang ang layo sa kaniya at isa-isang yumukod. Namangha si Hana pero sa loob niya ay nag-iisip siya na baka mga naholdap ang mga batang nasa harapa niya. Yumukod na rin lang si Hana at naglakad palayo. Kita niya ang pagkagulat ng bata. Pero agad siyang natigilan nang mapagtanto na hindi nga pala niya alam kung saan ang kwarto niya. Humkbang siya paatras at mahinahong nagtanong, “Saan ang kwarto ko?” May isang bata ang tumakbo at sumunod siya. Sa second floor, may pintong binuksan ang bata at agad na tumambad kay Hana ang madilim ngunit maganda ang pagkakaayos na kwarto “Eto ho. Kung may kailangan kayo, tawagan niyo lang ho ako.” Mabilis na pumasok si Hana at nag-lock. Inilibot niya ang paningin at kahit di kasing ganda ng kwarto niya ay kontento siya dahil mas mahirap pa nga ang sitwasyon niya noong maging pulubi. Nang makita ang c.r. ay sabik siyang pumasok yon nga lang ay nawala lahat ng pagkasabik nang makita na naman ang repleksiyon sa salamin. Sinipat ni Hana ang katawan na kinalulukan niya at talagang di niya mapigilang mapangiwi. Marahan niyang hinubad ang suot na damitnito at halos mahimatay siya dahil anlalagkit ng pagitan ng mga bilbil nito at punong-puno ng mga tattoo ang katawan. “Noo!!! Nooo! Please no!!!” nag-tititirik na ang mga mata niya nang kailangan niyang alisin ang suot na pang-ibaba. “Oh god! I have never seen one and never I would want to see one especially this guy’s pen*s! Just please, kiii-hilll—” “Hi, Hana!” biglang putol sa kaniya ni Jarid at mabilis na tinigil ang pagbaba ng pantalon nitong lalaking pinaglalagakan ng kaluluwa niya. “Jarid! Please, wag dito! Please! Di ko kaya! Saka baka mamaya, may mga libo-libo itong mga mistresses, I can’t! That’s against the law of Heavens. Though I am not against them, I love them, it’s just that, I am into man even if I’m in a man!” Hagalpak na ng tawa si Jarid. “I told you, you have to survive. So, adapting is a must. Paraanan mo kasi ganon talaga ang buhay. Pumaparaan!” “Pero kasi, di ba? Maninibago silang lahat kung—” “May amnesisa at ni isa sa mga tauhan niya ang may ideya kung ano ang pinagdaraanan ng mga taon may amnesia at na-comatose ng tatlong taon. Yon lang. Dumaan lang ako to remind you that! Bye!” “Te—Teka Jarid! Jaarid!” palahaw ni Hana kaso naglaho na ulit si Jarid. With no choice left, Hana took a deep breath and pushed down the man’s pants in one go. “AAHHHHHHHHH!!!!!” palahaw niya habang nakapikit. Pinili niyang pumikit kaysa naman makakita ng a** ng lalaki ng wala sa oras. Humakbang siya ng marahan at kinapa-kapa kung nasaan ang switch ng shower na nakita naman na niya kanina. Iyon nga lang ay nakarinig siya ng malakas na kalabag mula sa labas at bumukas ang mga mata niya sa gulat nang biglang bumukas na rin ang pinto ng kaniyang banyo. “Boss! Boss! Anong problema?! Ha! Anong masakit?!” usisa ng lalaking nakasama na naman sa banyo. Ang ilang mga lalaki nakatayo lang sa likod nito at iniintay ang sagot niya. Si Hana, dahil sa gulat ay wala sa sariling napatingin sa ibaba pero ang inaakala niyang nakakatakot na bagay, napangiti siya. “I thought it was fightening! O gad! It’s cute! It’s so tiny!” Itinulak ng nasa unahang lalaki ang mga kasamahang lalaki palabas ng banyo at nagsimulang maghubad. “Ahh! Te—teka anong ginagawa mo?! Tigil!” nagpapanic na si Hana kaso huli na dahil wala pang limang segundo ay hubo’t-hubad na ang lalaki sa harapan niya. Laglag ang panga ni Hana nang makita ang private part nito na sobra ang pinagkaiba sa kung ano ang nasa kaniya. “Tha—that’s fcking huge!” “Boss, ako na ang magpapaligo sayo!” sabi nito at walang pasabi na inalalayan siya para maupo sa malaking bathtub. Nanlulumo si Hana sa mga nangyayari kaya wala na siyang ginawa kundi ang matulala at umisip ng paraan para mamatay tutal ay wala namang kwenta ang buhay nitong lalaki dahil sa masamang ginagawa nito, isip-isip ni Hana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD