Tinangkang pumasok sa restaurant si Hana para humingi ng tulong pero wala pa mandin siyang sinasabi ay pinagtabuyan na siya.
“Please! I just need to take a quick phone call—” sumamo niya pero naputol sa sinasabi nang magtawanan ang mga security.
“Sa mental ka mag-english!” lait ng mga ito sa kaniya.
“What?! That is too offensive. Fine! Let me take your names and I’ll make sure to repay your rudeness when I get back!” sigaw niya. “And for your info, mental people are better than shitty persons like the two of you!”
Tumaas pa ang kilay ni Hana, saka tumalikod at naglakad na paalis.
Naglakad siya nang naglakad hanggang makarating sa park.
“Don’t you dare look at me!” sigaw niya sa isang pamilya na dumaraan.
“Aabutan na nga ng pagkain, masungit pa. Ang bad po niya, Mama!” ngawa ng isang bata at mabilis na nagtatakbo palayo kay Hana.
“What? I’m bad? That’s bullsht! I’m never bad!” palahaw niya.
“Sus, english-english pa! Magtrabaho ka, ang galing-galing mo pala eh!” masungit na turan naman ng isang mag-jowa sa isang bench.
“Whatever! Pag nalaman niyo ang totoong pagkatao ko, gugustuhin niyo na lang na mabura sa mundo—” naputol na naman si Hana sa pagsasalita nang kumalam ang kaniyang sikmura.
Nagtawanan ang mga tao na nakakakita sa kaniya at galit na umalis si Hana.
“Hey, you are here to learn your lesson so focus,” biglang sulpot ni Jarid.
“I know! Kaya nga kailangan kong maparaanang maging ma-contact ang pamilya ko para malaman nila na buhay ako at nang maako ko na lang ang kasalanan ni Angeline,” matamlay ang boses na sabi ni Hana.
“Oh, nga pala! Di pwedeng malaman ng mga taong kakilala mo ang tungkol sa misyon mo, maski na ang katotohanang ang kaluluwa mo ay buhay. Dahil ang katawan mo ay nakaratay at para di masira ang balance of life,” sabi ni Jarid.
“What? Eh papano ako?”
“That’s the point, you have to survive! But remember, never take a shortcut, endure and persevere. Wag mong pipiliin magpakamatay or you’d lose this chance.”
Nawala na ulit si Jarid at napuno ng takot si Hana. Sa malamig na gabi, sa gitna ng kawalan sa walang kasiguraduhan na mundo, napayukyok si Hana at humagulgol ng malala. “Habang buhay na lang ba akong masasaktan at mahihirapan?” ngawa niya.
Kaso kahit ano namang gawin niyang hagulgol ay kumalam pa rin ang sikmura niya.
Tumayo siya at pinahid ang luha, “I am going to live! I am going to live!”
Nagmamartsa siyang nagtungo pabalik sa park at hinanap ang bata. Kinakabahan man ay kinain na niya ang lahat ng pride para lang magkalaman kahit konti ang tiyan.
“Bata!” tawag niya.
Tumamuso ang bata at inirapan siya. Buti na lang at malayo ang bata sa mga magulang nito kundi na-bash na siya ng sobra.
“Sige na bata. Akin na ang pagkaing binibigay mo. Pangako, ibabalik ko ng sobra-sobra ang tulong mo pag nakabalik na ako sa pamilya ko. Ano ba ang pangalan mo? Apelyido na lang para mas mabilis kitang mahahanap,” sumamo ni Hana.
Kaso nagmartsa na ang bata palayo.
“BWISIT!” ungot ni Hana, napakamot na lang sa ulo sa sobrang dismaya.
Hinabol niya pa ulit iyong bata pero nag-iiyak na yong bata sa takot sa kaniya. Nakita ito ng mga magulang nito kaya kita niya na pasugod ang mga ito sa kaniya.
“Sht!” bulong ni Hana at akma na sanang aalis nang makita niyang may pambatang motor na tumatakbo papalapit sa bata.
Di natiis ni Hana ang kapahamakan na pwedeng mangyari sa bata kaya mabilis siyang tumakbo at hinablot ang bata dahilan para magpagulong-gulong sila sa ground. Sa kasamaang palad pa ay nahagip ang paa ni Hana ng motor kaya napasigaw na lang siya sa sakit.
Nagtatakbo ang bata palayo sa kaniya habang namimilipit siya sa sakit. Nang makatayo ay iika-ika siyang naglakad palayo pero ang ikinagulat niya ay nang abutan siya ng bata ng plastic ng pagkain na inaabot nito kanina saka isang daang piso.
“Thank you po, pero ang baho niyo po. Try showering sa gas stations, libre lang don! Ako nga po pala si Krisha Viella, friends na tayo,” sabi ng bata saka nagtatakbo na ito palayo.
Nainsulto man ay sobrang saya niya sa pagkain at kakarampot na perang maaari niyang magamit para mahanap ang pamilya niya.
Masaya siyang naghanap ng masisilungan para sa gabi. Naglakad-lakad siya sa kahabaan ng kalsada, di alam ang patutunguhan. Ni minsan ay di niya naranasan ang pakiramdam ng takot, ng pagkaligaw pero desidido siya na maka-survive para makabalik.
Nang makakita ng ilang kumpol ng mga pulubi, sinubukan niyang lumapit sa mga ito para makisuyong makitulog pero ang di niya inaasahan ay nang hablutin ng mga ito ang kaniyang pagkain.
Sinubukan niyang lumaban dahil ayaw niyang bawasan ang pera na hawak kaso natakot siya nang pagbantaan siya ng isa sa mga pulubi. “Bitaw o di ka na bubukasan!” turan nito saka naglabas ng kutsilyo sa bulsa.
“H—Hindi po ako lalaban. Sa inyo na po. Sa inyo na po!” pagsuko ni Hana sa takot na baka mapatay pa siya ng wala sa oras.
Nagsitakbuhan ang mga ito palayo dala ang kaniyang pagkain. Napabagsak na lang si Hana sa sobrang hirap ng loob. Napanood man sa telebisyon at nababasa sa mga libro, di akalain ni Hana na mas mahirap pag nararanasan na talaga sa totoong buhay.
Humagulgol siya at namaluktot sa timbon ng mga kahon sa sulok ng kalsada habang hawak-hawak ng mahigpit ang isang daang pisong ibinigay ng bata. “Grabe lang! Ganon ba ako kasama para maparusahan ng kaganito?” umiiyak na bulong ni Hana.
Bumuhos ang ulan at lalo nang naubusan ng pag-asa si Hana. “Halika!”
Napaangat ang tingin ni Hana sa nagsalita, “Wa—wala na po akong pera! Wa—wala po akong pagkain, wag niyo po akong papatayin!” takot na takot na sabi ni Hana.
“Hindi, hindi. Sabi ng asawa ko puntahan raw kita. Pasensiya na kung di agad kami nakatulong dahil may mga anak rin kami, mahirap na. Halika, sumama ka sa akin. Doon ka habang di mo pa nahahanap ang hinahanap mo,” malumanay na sabi ng lalaki saka iniabot ang kamay nito sa kaniya.
Tinanggap ni Hana ang kamay nito at marahang tumayo. Naglakad sila paikot lang sa kalsadang pinagmulan niya at di makapaniwala na mararatingan ang tila maliit na komunidad ng mga pulubi.
“Dito kami nakatatira. Halika, kumain ka at maligo. Magpalit ka na rin.”
Sa maliit na barong-barong na gawa sa tagpi-tagping mga sira-sirang manta at iba pang mga uri ng plastic, isang masayang pamilya ang bumungad kay Hana. Isang babae at tatlong mga bata.
“Tuloy ka,” bati ng babaeng kasing edad nitong lalaki na tumulong sa kaniya. “Eto oh, kasya naman siguro ang mga damit ko sayo, sasamahan kita sa paliligo tapos kakain tayo. Mga anak, wala makulit ha, samahan ko lang si Tita—” tumigil ang babae at tumingin sa kaniya.
“Ah...Porsha po! Porsha!” mabilis na sabi ni Hana.
“Ako naman si Helen at siya si Franco, asawa ko.”
Habang papunta sa public c.r., di mapigilan ni Hana na sipatin ang mga tao sa paligid. Ang mga tao at ang uri ng pamumuhay ng mga ito ay malayo sa mga sinasabi sa libro o sa mga telebisyon. Mas mahirap, pero ang pag-asa, damang-dama.
“Ito na Porsha, ligo ka na.” Putol sa kaniya ni Helen.
Tumango si Hana at pumasok sa na sa c.r. Habang nasa loob, di napigilang mapaiyak ni Hana, nagsisisi siya sa inasta sa pulubi noong gabing bago siya masaksak.
Kumain sila pagtapos at naghanda na humiga para matulog pagtapos ng kaunting kwentuhan.
“Di ka pa ba matutulog?” usisa ni Helen kay Hana.
“May rason ba kung bakit ganitong buhay ang pinili niyo? Hindi naman sa ano, pero kasi ang lalakas niyo pa,” halos kainin ni Hana ang sabihin pero pinilit na niyang magsalit. “Sorry po ha! Di ito para manginsulto, sa kinalikahan ko kasi palaisipan to sa amin. Gusto ko lang maunawaan.”
“Ok lang,” sabi ni Helen at ngumiti. “Hindi naman namin to pinili, nagkataon lang talaga na wala kasi kaming natapos sa hirap ng buhay kaya dito rin bagsak namin. Pag naman nabansagan ng pulubi, sobrang baba na ng tingin samin kaya wala ng oportunidad. Kaya nga nang may magmalasakit samin three years ago na bigyan ng pangapital sa maliit na mapapagkakitaan, iningatan na namin para makatulong rin sa iba.”
Tumango si Hana. “May cellphone po ba kayo?”
“Oo, hihiram ka ba?”
“O-o po sana,”
Inabot naman agad ni Helen ang cellphone at nang makita ni Hana ang date sa cellphone, parang luluwa ang dibdib niya sa pagkagulat, “2026?”
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Helen.
“Pwede po bang mapag-isa po muna ako? Matulog ka na ho, ipapatong ko na lang po sa mesa pag tapos ko nang gamitin,”
Tinapik ni Helen ang balikat niya at umalis. Dali-daling nagtype si Hana ng tungkol sa mga Sandres at di na niya napigilang umiyak ng tahimik nang makita ang estado ng buhay ng pamilya niya ngayon. Lalo na ang tungkol sa kaniya na comatose na sa loob ng tatlong taon.
Nagpapasalamat naman siya na kahit paano ay di pa rin siya sinusukuan ng pamilya niya. At nang matapos ang paghahanap ng tungkol sa pamilya, tinype niya ang pangalan ni Abe, nanginginig pa ang mga kamay niya pero walang lumalabas.
Kahit apelyido nito ay wala ring lumalabas na picture o tungkol rito.
“No,” hingapis ni Hana. “Did he...”
Mabilis niyang tiningnan ang map at halos manlumo siya na kahit one-fourth ng mauubos niyang pampasahe ang isang daang piso na meron siya.
Kaya naman kinabukasan, maagang nagpaalam si Hana para makahanap ng mapapagkakitaan, kahit ano ay papasukan niya para lang makaipon ng mapapamasahe.
Natutuwa si Hana na kahit naman hindi kasing ganda ng orihinal na katawan ay pwede-pwede na ang datingan ng babaeng napuntahan niya.
“Good luck, Porsha!” sigaw nina Helen pagtapos na tulungan siyang magbihis para maging presentable sa paghahanap ng trabaho.
“Promise, babalik ko lahat sainyo pagnakabalik na ako sa pamilya ko.” Sigaw ni Hana habang masayang kumakaway sa pamilya nina Helen at Franco.
“Bye Ate Porsha!” masiglang sigaw ng tatlong bata na agad niyang nakasundo habang nagbibihis kanina.
Tumalikod na si Hana at ngumiti ng maganda, handang-handa na siya sa haharapin na mgs pagsubok, yon nga lang ay sa kasamaang palad, di niya napansin ang humharurot na motor kaya nabangga siya. Sa lakas ay tumilapon siya.
Rinig niya ang sigawan at malalabong iyakan mula sa mga boses nina Helen.
“I—I’m sorry. If I can get back, I—I’ll find you.” Turan ni Hana bago tuluyang dumilim ang lahat.