Sa isang kilalang pub napagdesisyunan, este, pwinersa ni Hana na dalhin siya ni Abe noong gabing iyon. Walang balak umuwi si Hana dahil di niya kayang harapin ang pamilya niya. Alam niyang triple lang ang aabutin kung haharapin pa niya ang kaniyang ama.
“Mam, palimos po!” turan ng isang pulubi na humarang kay Hana habang papasok ng pub.
Sumama ang mukha ni Hana, “Seryoso ka? Umuwi ka na dahil sinasabi ko sayo, kung dito ka mamalimos, mas lalo ka lang mapapasama.”
Sinipat ni Hana ang pulubi saka sinamaan ng mukha at iniwan na.
“Abe, bilisan mo! Wag mong bigyan yan, lakas-lakas niyan, mamalimos? Haay nako!”
Pero dahil nuknukan ng bait ay binigyan pa rin ni Abe ang pulubi. Kaya iniwan na ito ni Hana.
“Hana, hintayin mo ako!” aligagang habol ni Abe kay Hana habang binabalik sa wallet ang mga id nila.
“Bilisan mo!”
Nakakuha sila ng table nang makalampas sa maraming tao. Nasa sulok lang sila kaya ok na kay Hana iyon basta maaliw lang ang isip. “Waiter!” sigaw ni Hana.
“Hana! Isa! Pwede naman tayo sa bahay eh. Bakit dito pa? Di ka ba natatakot para sa lungs mo? Di ba? Kaya nga allergic ka sa sigarilyo. Tapos ang alak...di ba ayaw mo ng alak dahil destructive sa liver mo?”
“Seriously? Kaya nga rebellion ang tawag sa ganito, you are doing things you don’t want to punish yourself because you are too weak to confront the problems!” Pangatwiran ni Hana.
Tumayo si Abe at hinablot ang kamay ni Hana para tumayo. “No, I am taking you to my house. Bili na lang tayo ng kahit anong light beer tapos doon ka. Di safe rito!”
Iniangat ni Hana ang tingin rito at kumunot ang noo saka marahas na binawa ang kamay, “Umalis ka kung di mo kaya.”
Napanganga si Abe, matindi ang inis na nararamdaman sa pagtaboy ni Hana. Huminga pa ito ng malalim bago nagsalita. “Hana! Please! Ako na lang nga nagtitiyaga sa ugali mo tapos—”
“Hiningi ko ba?” napa-iling na lang si Hana, kita ang sakit sa mukha niya.
“Hana please!”
Tumayo si Hana at naglakad paalis. Sa daan niya palabas ng pub ay may nabunggo siya na mukhang gangster at agad na humingi ng pasensiya. Pagkatapos na mag-abot ng bayad ay agad na naglakad na si Hana palabas ng pub.
“HANA!” tawag pa rin ni Abe sa likuran niya.
“Pabayaan mo na ako! Kakahiya naman sa pagtitiyaga mo. Baka may mas mahalaga ka pang gagawin maliban sa pagtiyagaan ak—”
Di na natapos ni Hana ang sasabihin nang mahablot ni Abe ang braso niya para tumigil sa paglalakad. “Sa tingin mo talaga buong buhay ko na kasama ka, pagtitiyaga lang tong ginagawa ko?”
Ngumisi si Hana, grabe na ang patak ng luha niya, “Hindi ba? Dahil kung hindi dahil sa pera namin, wala kayong successful established businesses? Dahil kailangan mong paningdigan ang lintik na arranged marriage natin!”
“Grabe ka!”
Tinulak ni Hana si Abe at mabilis na tumawid sa tabing kalsada. Sinipa pa niya ang isang aso na nanghihina sa tabing kalsada.
“Hana!” habol pa rin ni Abe. “Hana, isa! Fck you! I...”
Ipinagwalang bahala ito ni Hana dahil puno na siya ng sama ng loob. Gusto lang niya makalayo. Marahas ang kaniyang paglakad, mabibigat ang kaniyang bawat yabag nang biglang makarinig siya ng malakas na busina at kagisgis ng preno ng sasakyan.
Natigil siya sa paglakad at parang mauubos ang hininga niya habang unti-unting humaharap nang tumigil ang pagtawag ni Abe sa kaniya kasabay ng nakakapanindik na hiyawan ng mga tao.
Mas lumala ang pagluha niya habang humahakbang siya pabalik sa kumpulan ng mga tao, nagsisibalikan ang mga sandaling nawala ang kaniyang kapatid na lalaki.
“E—Excuse me po,” halos walang boses na sabi ni Hana habang hinahawi ang mga tao. At nang makarating sa gitna, tumambad ang nakahandusay na katawan ni Abe, madaming dugo ang nakapalibot rito.
“ABBBBEEE!” palahaw ni Hana. “Tulong!!!! Pleasseeeeee!!!” paluhod na sumamo niya, nanginginig ang buo niyang katawan.
Sinubukan niyang i-extend ang mga kamay para hawakan si Abe pero wala, di niya kaya. Tumayo siya at isa-isang nakiusap sa mga tao, puno na ng dugo ang kaniyang kamay.
“Ta—tawagan niyo po ang hospital...” nawala na sa sarili si Hana.
Pero ang di inaasahan ni Hana ay nang makarating sa bandang likuran ng kumpol ng mga tao na nakapalibot sa kanila ay may biglang yumakap sa kaniya at walang pangundangan na sinaksak siya. Di lang isa pero tatlong beses siyang sinaksak.
Pagkasaksak ay mabilis na umalis ang taong naka-full black ng suot, may binulong pa kay Hana pero di na iyon napagtuunan ng pansin, ni sumigaw sa sakit ay di na niya nagawa dahil awtomatikong nagblangko ang isip niya.
Gamit ang natitirang lakas ay pilit na humakbang siya pabalik kay Abe at marahang tumabi rito habang unti-unting nauubos ang hininga kasabay ng pagdilim ng paningin.
Bumuhos ang malakas na ulan at kasabay nito ang pagtagingiting ng kampana sa malaking simbahan sa tuktok ng burol na natatanaw sa buong lugar.
Saktong pagpatak ng alas-dose ng hating gabi ay ang saktong pagpikit ni Hana, sambit-sambit ang mga huling panalangin.
***
“HAAAAAAH!” humahangos na singhap ni Hana nang makaahon sa napakalalim na tubig.
Hapong-hapo siyang pilit na sumampa sa lupa ng katabi ng tubig. Pinipilit niyang ilibot ang paningin sa lugar para sipatin kung nasaan siyang lugar.
Ang tangi lang kasi niyang naalala ay natulog siya at nahulog sa tubig na tila habambuhay na siyang naglalalangoy para lang makarating sa ibabaw.
Pinilit niyang tumayo at laking gulat niya na tuyong-tuyo ang uniform na suot niya.
“Congratulations, Hana. You made it!” turan ng isang boses na nakapagpatalon sa kaniya sa gulat.
“Sino ka?” takot na takot na sabi ni Hana habang hinahanap kung saan nanggagaling ang boses.
Humalakhak ang boses at mamaya-maya ay may kumublit sa likod niya. Pagharap ni Hana ay di siya makapaniwala na makakita ng napakagwapong lalaki. “Hi Hana!”
Nanlaki na lalo ang mga mata ni Hana, pilitin man kasi niyang tumakbo at gumalaw ay di niya magawa. “Ba—bakit di ako makagalaw? Bakit...ayaw...lumayo ka! I cannot talk to strangers!”
“Relax, I am not a stranger. In fact, I know you for a long time. But you don’t know me kasi di mo naman ako nakikita noon.”
“Noon?”
“Noong buhay ka pa,”
“Bu—buhay pa?”
“Hmm! Di mo pa naalala pero sa oras na tumuntong ka ulit sa lupa, maalala mo ang lahat. Halika, maglakad-lakad tayo para makapag-usap tayo. I’m Jarid!”
Si Hana, di na ulit nagsalita, biglang-bigla siya sa mga nangyayari. Di niya matanggap na patay na siya ngayong parang buhay na buhay ang isip niya.
“Halika na Hana, malayo pa ang lalakarin natin bago matapos ang oras na palugit mo!” sigaw ni Jarid. “Kung gusto mo pa mabuhay ulit, di ako mag-aaksaya ng kahit segundo. Kita mo yong mga yon?”
Sumunod ang tingin ni Hana sa tinuturo nito at kita niya ang dalawang lagusan sa tila dulo ng malawak na kapatagan na pinaglalakaran nila. Dalawang linya ng mga tao ang tumatagos sa dalawang magkaibang lagusan.
“A—ano yon?” takot na tanong ni Hana.
“Ilang oras na lang at mag no-November 1 na kaya halika na,” ngiti ni Jarid at nagsimula na maglakad.
“Anong meron sa November 1?” habol ni Hana.
Nang makahabol si Hana ay naglakad na siya sa tabi ni Jarid, “November 1, ang isang araw na pinagbibigyan ang mga kaluluwang namatay na at nasa bingit ng kamatayan na makabalik sa lupa para itama ang mga kasalanan nila. Isang araw na bumawi sila sa mga bagay na labis nilang pinagsisisihan.”
“Ano? Seryoso ka ba? I’m perfect to make a mistake. So anong itatama ko?”
Tumawa si Jarid ng malakas, “You really are something Hana. About that, we are not allowed to say that. Ikaw lang ang nakakaalam non.”
“Teka, patay na ba talaga ako?”
“Sa case mo, isa ka sa mga nakatanggap ng himala kaya nasasayo kung mamamatay ka na o mabubuhay ka pa after mo magawa ang mga bagay na kailangan mong gawin sa lupa.” Paliwanag ni Jarid.
“Kailan ang deadline?”
“You have the whole month of November,”
“Wow! One month?”
Nang makarating sa dulo ay may babaeng nakaabang rito, “Hana Sandres, you have 17 chance tickets. Good job!”sabi nito at may sinuot sa kaniyang bracelet.
“Para saan—”
Di na naituloy ni Hana ang itatanong nang tinulak na siya ni Jarid sa lagusan. “Fck you!” pahabol pang hiyaw niya.
Saglit na napaloob si Hana sa isang di maunawaan na pakiramdam basta ang alam lang niya ay nahuhulog siya. Magaan ang kaniyang pakiramdam sa nangyayaring kakaibang phenomenon hanggang sa dumilim na naman ang lahat.
“ABE!” singhap niya agad at nang tuluyang magmulat ay nakita niyang nasa lupa na ulit siya. “YESSS!”
Tatalon na si Hana, kasiyahan na never niyang naramdaman sa buong buhay niya. Kahit sa libo-libong mga medal at certificates na nakuha noon sa school ay di matutumbasan ang saya niya.
“Nice one!” bati ni Jarid.
Umasim ang mukha ni Hana at mabilis na sinugod si Jarid pero di niya ito nahawakan. Sinubukan niyang suntukin ito pero wala. Inulit-ulit pa niya pero wala talaga. “GAGO KA!!!! Bakit nanunulak ka na lang bigla ha?! Don’t you know how rude it is to interrupt someone speaking—”
Natigil si Hana sa pagsasalita nang biglang may maghulog ng barya sa paanan niya.
Natanga siya habang nakasunod ang tingin sa lumagpas na lalaki at tumigil sa pagkausap kay Jarid. Sinipat niya ang paligid at marami ang taong nagtitinginan sa kaniya. “You see, you get to live but we don’t control what you will become.”
Nagtatakbo si Hana sa katabing building at halos manlumo siya nang makita ang repleksiyon sa salamin.
“AHHHHHHHH!!!!” malakas na palahaw niya na makitang isa siyang pulubi. “Nooo—”
Natigil siya sa pagsigaw nang kumalam ng malala ang sikmura niya at ang mga tao na laman ng restaurant ay nagsitinginan sa kaniya.
Tinapik ni Jarid ang balikat niya, “Goodluck, Hana!”
“This cannot be happening.”