"SA susunod kasi, Max, tumambling ka naman!" Mangiyak-ngiyak na ako habang tinatanggal ang bendang nasa sugat ko. Nasa sasakyan na kami at pauwi na rin, ayokong mahalata nila kuya na may sigat ako kaya kailangan ko rin tanggalin 'tong benda. "Baliktad na talaga utak mo, Klieford!" Singhal bigla ni Krisha na nakatingin pa sa ginagawa kong pagtanggal sa benda, bago umayos ng upo. "Dapat kasi, Max. Inayos mo muna iyung tiles!" Kunot ang noo kong bigla siyang tiningnan. Parehas lang sila ni Klieford, wala akong napala. "Ano ba naman ang sinasabi niyo kay Max, wala namang magandang nadulot." Biglang sambit ni Travis habang nagmamnehong nakatingin sa daan. "Hayaan mo na iyang dalawang iyan." Nakatingitting tumingin sa amin si Drew. "Iba lang talaga pag magkaayos na, nagiging magka-away na

