"HINDI ba talaga ako mabigat?" Kanina ko pang tanong sa kaniya, nag-aalala. "Pwede mo naman na akong Ibaba, kaya ko na naman." Pabalik na kami kung saan ang bench namin. Hindi na namin matutuloy ang laro dahil lang sa naging kasalanan ko, nakakahiya. "Kaya kita, Max," tinaas niya ako bigla. Halos malapit nang magdakit mukha namin. "Sa totoo lang ay ako ang may kasalanan kung bakit ka nasugatan kaya sorry." Panghihingi niya ng tawad. Taka ko siyang tiningnan sa gilid. Ako ang may kasalanan kung bakit ako nadapa, hindi ko kasi nakita na nakaangat pala iyung tiles. "Hindi naman ikaw ang may kasalanan, saka hayaan mo na, maliit lang naman ang sugat na 'to." Tinapik ko siya sa braso saka muling iniyakap ang braso ko sa leeg niya. "You know what, Max. This is my first time to piggy back

