"BAKIT si Krisha? Anong mayroon sa inyo?" Tanong ko kay Klieford. Naglalakad kami ngayon sa mahabang pathway, malayo na sa iba, nauna na kami umalis dahil kaniya-kaniya na raw muna maggala. "Hindi kasi ako nabasi sa panlabas na anyo lang, Max." Ginulo niya ang buhok niya sabay ang pagngisi saka tingin sa akin. "Mabait siya, Max, tuwing magkasama kami. Iba iyung bait niya sa nakikita kong bait ng ibang tao." Tumango-tango lang ang naging pagsagot ko. Hindi ko pa nakikita ang tunay na ugali ni Krisha. Hindi ko rin alam na nakikita pala sila. Bagay talaga sila. "Naging magulo lang, Max, noong nakita ko siyang may kinakasamang lalaki." May lungkot na sambit niya. "Pero ok na na rin iyon... Walang kami para pagbawalan ko siya." Sarkisto siyang napatawa. "So anong balak mo?" Tanong ko sa

