"ANG sarap ng mga pagkain niyo!" sigaw ni Klieford habang puno pa ang bibig niya. Nakayuko lamang ako habang nakain. Hindi ko magawang tumingin kina Klieford, na nasa kanan ko lang nakaupo. Muling kong inagat ang tingin ko kung nasaan si Dean, mabilis akong umiwas nang tingin ng makita ko siyang nakangisi sa akin. Kanina niya pa ako tiningnan, nakakahiya na tuloy kumain. "Ayos ka lang ba, Max? Kanina pa 'yang pagkain sa kamay mo." Rinig kong salita ni Travis na nasa kaliwa ko naman, kumain rin. "Kung ayaw mo, akin na lang, kinuha ni Klieford hotdog ko, eh." Inangat ko ang mukha ko para makita siya. Napakunot pa ang noo ko nang makita kong nakanguso pa siya habang pinaglalaruan sa kamay ang tinidor niya. Napabaling ang tingin ko kay Klieford na nakangiting sunod-sunod kinakain ang hotd

