SA wakas... Sabado na rin. Mabuti na lang at nag advance training ako kahapon ng umaga sa Badminton ko. Muntik pa akong matalo dahil panay nag sigaw ni Klieford na saktong nasa gilid lang nakaupo. Nakaharap ako ngayon sa salamin para mag-ayos ng mukha, kahit polbo lang naman at ayos ng buhok. Chat na lang nila Klieford, Drew at Travis ang hinihintay ko dahil susunduin daw nila ako. "Max," Napalingon ako sa pintuan ng makarinig kong may kumatok, mukhang boses ni Manang. Lumapit ako roon para buksan. "Bakit po?" Tanong ko saka ngumiti. Nasasanay na rin ako na si Manang ang laging kong naabutan sa bahay, minsan si Kuya, pero lagi niya akong inaasar at pinagbabantaan sa mga ginagawa ko. May pangamba sa hitsura ni Manang sabay kamot sa ulo niya. "Pauwi na kasi ang mga magulang mo, Max,

