"THANK you, Max! Thank you talaga! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jasmine 'to." Sabay kaming napatalo-talon ni Steve habang magkayakap. Nasa labas na kami at sakto namang papasok na, mabuti na lang at dala ko ang uniform ko at bag kaya dito na rin ako sa kanila nag palit. Masaya ako para kay Steve at Jasmine. Kanina ay halos sigawan ang naririnig ko sa kanilang dalawa ng Mama niya. Ngayon ay maayos na, ayos na at tanggap na ng Mama niya si Jasmine. "Sorry kanina, hindi ko naman alam na magagalit pala ang Mama mo sa iyo." Sabi ko sa kaniya pagkahinto namin sa kakatalon. "Kailan mo pala balak sabihin kay Jasmine? Gusto mo tulungan kita?" Pang-aaya ko sabay ngiti. Napabuntong hininga siya at tumingin sa langit saka ngumiti. "Mamaya na lang siguro, alam kong matutuwa si Jasmine

