"Pumayag rin si Travis na sumama ako, Max!" Galak na sabi ni Krisha habang nakakapit sa braso ko. Napasapo na lang ako sa noo ko. Ang kulit niya minsan. "'Di ba nagpaalam na naman tayo, pero kay Travis lang. May plano kasi ako para sa inyo ni Klieford." Napabungisngis naman ako. Naglalakad na kami ngayon palabas ng subdivision. Wala kasi kaming masaktan kanina saka maaga pa kaya napagpasyahan na lang namin na maglakad na lang, kahit may kalayuan ang palabas. Nauuna sa amin maglakad si Travis. Gusti niya rin naman daw mapag isa kaya hinayaan na lang namin. "Max, sorry nga pala sa nangyari kagabi, ha?" Tatakpan ko na sana bibig niya dahil sa lakas ng boses niya pero agadd niya rin namna iyong naramdaman. "Hindi ko kasi alam na magkikita pala kayo roon ng kuya mo." "Okay lang iyon, Kr

