I tell myself I don't care that much
But I feel like I die 'till I feel your touch- Paloma Faith
Tahimik lang ako habang inaayusan para sa photoshoot. After ng contract signing kanina, diretso na agad kami dito. Napatigil ang isip ko nang mapatingin ako kay Wyn, na inaayusan din sa kabilang side ng room. Medyo may distansya sa pagitan naming dalawa — at hindi lang physically, pati emotionally.
Naalala ko tuloy ang nangyari kahapon, nang sumama siya sa akin. Hanggang ngayon, ni hindi pa kami nagkausap. Ewan ko, pero parang mas lalo pa siyang dumistansya.
Hindi ba 'yun naman talaga ang gusto mong mangyari, Ellese?
Don’t get me wrong, alam kong gusto kong umiwas, pero nakakagulat lang ang inasal niya. Paano ko nasabi? Kasi nung dumating kami sa shop, okay pa siya. Nagtatawanan pa sila nina Riva at Chelsea, nagko-comment pa siya sa fit ng mga gown ko, parang walang problema.
Pero nung dumating si Julian, biglang nag-iba ‘yung mood niya. Parang may switch na pinindot. Tapos ayun, umalis na lang nang walang paalam. Wala naman akong karapatang kwestyunin ‘yon, pero kasi... ah basta! Nakakainis. Hindi ko siya maintindihan.
Napailing na lang ako. Iyon nga ang gusto ko ‘di ba? Na lumayo siya. Pero bakit parang may kirot? Parang may lungkot at panghihinayang akong nararamdaman. Hindi ko na talaga alam kung anong problema ko.
“Miss Ellese, okay na po. Pwede na kayong magpalit.”
Natauhan ako nang marinig ang boses ng make-up artist. Ngumiti ako at tumango bilang tugon. Inalalayan niya ako patayo papuntang dressing room.
“Sabihin niyo lang po kung nahihirapan kayo isuot ‘yung damit niyo, para masamahan ko kayo,” dagdag pa niya.
Tumango lang ako bilang pasasalamat. Nang makapasok ako sa CR, I took a moment to check out my outfit for the first set of the pictorial. It’s giving school vibes.
Suot ko na ‘yung plaid collared blouse na layered under a beige pinafore-style dress. Bagay siya sa beige A-line skirt at beige ankle boots na kasama sa styling. Maayos naman ang fit, but I couldn’t help but stare at myself in the mirror longer than usual.
Paglabas ko, sakto namang lumabas din si Wyn. Halos match ang outfits namin — coordinated, as expected. Suot niya ang white polo shirt, beige sweater vest, dark tie, gray trousers, at beige rubber shoes.
Ang simple lang ng ayos niya, pero grabe ‘yung dating.
Bakit parang lalo lang akong nalilito?
Ang set-up namin for today ay may "partners in crime" na theme. Gusto ng photographer na maging playful, close, at may pagka-romantic ang dating ng photos. Nagsimula ang shoot sa isang minimalist, classroom-inspired set — may mahabang wooden table, ilang libro at props, at soft lighting na nagbibigay ng warm, school-days nostalgia.
"Okay, Ellese, Wyn—pwede bang magtabi kayo sa upuan? Wyn, lean ka ng kaunti toward her, parang may sinasabi kang secret. Ellese, react ka na parang nagulat ka pero huwag exaggerated. Gusto kong makita ‘yung chemistry n’yong dalawa," paliwanag ng photographer sa amin.
Mariin naman kaming nakikinig sa instructions niya. Gusto rin niya na as much as possible, mag-act kami naturally — gusto raw niyang makita ‘yung totoong connection at chemistry namin on cam.
“Let’s get this done,” seryosong tugon niya sabay unang pumuwesto—ni hindi man lang ako tiningnan. Napabuntong-hininga na lang ako sa inasal niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ang shoot na ’to kung ganyan ang ugaling pinapakita niya.
“Okay, pose,” ani ng photographer. “Wyn, hawakan mo ‘yung kamay ni Ellese sa ilalim ng table. Gusto ko parang may tinatago kayong dalawa — secret partners-in-crime vibe.”
Medyo natigilan ako. Napatingin ako kay Wyn pero hindi siya lumingon. Tahimik lang siyang iniabot ang kamay niya sa ilalim ng mesa, at ilang segundo pa bago ko naramdaman ang init ng palad niya sa balat ko.
Parang automatic na tumibok nang mas mabilis ang puso ko.
Hindi kami nagkatinginan, pero ramdam ko ang kaba. Gusto ko siyang tanungin kung ayos lang ba siya, pero naunahan na ako ng photographer.
“Perfect! Ellese, tumingin ka sa kanya ngayon—parang nagtataka ka kung totoo ba ‘yung nararamdaman mo. Wyn, don’t look back just yet. Hold the mystery.” Sumunod ako. Napatingin ako sa kanya, habang siya, nakatingin sa ibang direksyon—parang isang taong may tinatagong damdamin. At sa sandaling ‘yon, kahit scripted ang eksena, hindi ko mapigilang itanong sa sarili ko kung scripted lang din ba ang lahat ng nararamdaman ko ngayon.
********
********
Natapos ang tatlong photoshoot nang halos hindi talaga kami nagpapansinan. Akala tuloy ng iba, sobrang professional lang talaga naming dalawa. Nauna na rin siyang umalis dahil may meeting pa raw siya, ayon sa sinabi ng manager niya kanina.
“Hays, salamat naman, natapos na rin tayo,” rinig kong sabi ni Angela. Tinignan ko siya—para siyang ngayon lang nakalanghap ng sariwang hangin.
“Bakit parang ikaw pa ‘yung mas napagod sa ating dalawa? Anong ginawa mo?” tanong ko sa kanya, medyo nagtataka.
“Wala naman, pero kasi... ang bigat ng vibes kanina sa loob ng studio. Hindi mo ba naramdaman? Lalo na nung dumating si Sir Wyn. Hanggang sa dulo, ramdam ng lahat ‘yung tension. Natatakot pa nga ‘yung ibang staff na magkamali, kasi feeling nila baka sa kanila maibunton ‘yung inis niya kung sakali man.”
Napabuntong-hininga ako. Hindi ako makapagsalita agad. Totoo naman.
“Medyo nakahinga na lang kami nung nagsimula na kayong magshoot. Grabe, ang lakas ng chemistry niyong dalawa. Kaya pala ang daming may gustong i-pair kayo sa isang project. For sure, kapag lumabas na ‘tong pinaghirapan niyong project, maraming magkakagusto.”
Tahimik akong nakikinig. Wala akong masabi.
“May itatanong ako, Miss Ellese?”
“Ano ’yon?”
“Nagtataka lang ako. Hindi ba same circle of friends kayo ni Sir Wyn? Pero kahit minsan, hindi ba kayo na-link sa isa’t isa?”
Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway nang marinig ko ‘yon. Napatingin ako sa kanya—walang ka-malay-malay sa kung anong tinatapakan niyang alaala.
Hindi ko siya masisisi. Wala siyang alam sa history namin. At kung tutuusin, minsan, gusto ko na ring kalimutan ‘yon.
“He's my ex,” maikling sambit ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Ha? Ano ‘yun? Ex-boyfriend mo si Sir Wyn?” gulat na tanong ni Angela, halatang hindi makapaniwala. Siguro naman, mapagkakatiwalaan ko siya kahit papaano.
“Ex-fiancé,” pagtatama ko, tahimik pero diretso.
“Oh wow. Alam ko na ‘tong scenario na ‘to—arranged marriage tapos hindi natuloy, ‘di ba? Parang sa teleserye!”
Tumango lang ako. Walang intensyong itanggi.
“Pangteleserye pala ang buhay mo, Ma’am,” biro pa niya, sabay tawa ng mahina. Pero ako, hindi na lang umimik.
Maybe. Pero sa totoo lang, sa tingin ko, lahat naman ng tao pang-teleserye ang buhay. Yung iba nga lang, walang kamera para subaybayan ang bawat eksena.