You’ll find that you were never not mine
But I’m gonna get you back – T.Swift
“Elle, we need to talk.”- Nabigla naman akong tumingin kay Wyn. Hindi ko alam na sinundan pala ako nito.
“Sinabi ko ng hindi na ako maglulunch. Bumalik ka na doon.” Pwede lumayo ka dahil hindi ko mapakalma ang sarili ko tuwing lumalapit ka.
“Hindi yan ang gusto kong sabihin.”
“Kung ganun anong gusto mong pag-usapan?” Tumigil naman ito at matamang tumingin saakin. Para bang pinag-iisipan nitong mabuti ang sasabihin.
“Saan ka ba talaga pupunta? Makikipag kita ka ba sa fiance mo?” Hindi ko alam kung anong tono ng marinig ko mula sakanya. Hindi ko mawari, para bang may himig ng pagseselos na para bang. Haist. Hindi pwede, imposible!
Wala ka na doon kung saan man ako pupunta. But then I change my mind hindi ko alam kung bakit sinabi ko kung saan ako talaga pupunta.
“Kasama ko si Riva ang wedding organizer siya ang kikitain ko. Masaya ka na?” Binuksan ko naman ang pinto ng kotse para pumasok. Hindi ko na hinintay ito kung anong sasabi niya. Bakit ba tinatanong niya pa? Ano bang pakialam niya?
“I’ll accompany you then.” Hindi ko alam na nakapasok na ito sa kotse ko at komportable nasa passenger seat. Bakit ba para itong kabute kung saan-saan lumilitaw. Saka ano daw? Sasamahan niya ako? Nahihibang na ba siya kaya nga umalis ako doon dahil hindi ko na makayanan na makita siya pero nandito ito ngayon at sasamahan raw ako. Mababaliw ako nito.
“No, thank you. Kaya ko ng mag-isa pumunta sa pupuntahan ko, pwede ka ng bumaba.”
“Akala ko ba nagmamadali ka dahil appointment mo? Bilisan mo?” baliwa nito sa sinabi ko. Nakakaasar.
“Nagmamadali nga ako kaya nga pinapababa na kita. Wala ka bang gagawin? Alam kong busy kang tao kaya ayaw rin kita maabala.” Pero ang totoo niyan naiinis na akong nandito ka.
“Nah, I’m bored kaya sasama na lang ako sayo. Kaya naman na ni Anton ang pinapagawa ko. Let’s go.” Bored na saad pa nito.
“Satingin mo talaga isasama kita? Bumaba ka na ayaw kitang kasama.” Prankang saad ko rin.
“Well, if you’re not gonna take me with you, then you’ve got no choice—we’re both getting stuck here in the parking lot. It’s not my fault if you end up late to your meeting. Might as well cancel your plans I could stay here forever So, lock the door and throw out the key Can't fight this no more, It's just you and me And there's nothin' I, nothin' I, I can do I'm stuck with you, stuck with you, stuck with you…” At ang loko ay kumanta pa. Nagigil na tinignan ko naman ito at mukhang wala lang itong pakialam sa mga tiningin ko at kinakanta pa ang Stuck with you. Seryoso ba talaga ito bakit ba hindi ako manalo laban sakanya. Gusto ko man itong sipain pero hindi ko magawa.
**********
Padabog kong isinara ang pinto ng kotse ng makalabas ako hindi ko na hinintay si Wyn kung susunod ba ito or ano. Mas mabuti kung hindi na lang ito sumunod. Nakita ko naman si Riva sa glass window ng wedding shop. Chinat ako nito kanina kung saan kami magkikita at ibinigay niya ang address hindi familiar saakin ang shop na ito pero halatang hindi basta-basta ang may-ari. Sa labas pa lang makikita mo na ang mga hile-helerang gowns na nakadisplay at masasabing maganda ang taste ni Riva sa shop na ito.
“Mabuti at nakarating ka kaagad. May pupuntahan kasi si Chelsea kaya kung sakaling hindi mo siya maabutan ay ang assistant niya na ang mag-aassist saatin at dahil nakarating ka aabisuhan ko na siya, hindi ko alam may kasama ka pala.” Napatingin naman ako sa tinitignan ni Riva at nakita roon si Wyn na nakatayo malapit sa pinto.
“Oo, sinasamahan niya lang ako. Si Wyn pala magiging kawork sa project na sinasabi ko sayo. Wyn, si Riva naman wedding organizer namin.” Pagpapakilala ko naman sakanila. Nagkamayan lang ang mga ito. Wala namang sinabi si Riva, ayoko lang iba ang isipin niya saamin ni Wyn.
“I’m glad meet you Mr. Velario. Puntahan ko lang si Chelsea. Make yourself confortable.” Itinuro naman nito ang sofa para doon kami umupo habang naghihintay. Kaya sinunod na lang namin ito. Napili kong umupo sa pinakadulo para may pagitan kaming dalawa pero ang loko umupo rin sa tabi ko.
“Wyn, nakikita mong ang haba ng sofa. Pwede bang umusog ka doon.”
“I like it here.” Prenting sagot niya. Napairap naman ako at akmang tatayo ng bigla ako nito hinila pa upo. “Saan ka pupunta?” Takang tanong nito.
“Di uupo sa kabila. Nakakahiya naman sayo.”
“Just stay here by my side.” Seryosong sabi nito. Nakita ko naman si Riva na may kasamang lalaki. Akala ko ba tatawagin niya si Chelsea.
“Siya pala ang gusto kong ipakilala sayo, Ellese ang magdedesign at may-ari ng wedding shop na ito, si Chelsea. Chelsea meet Ellese ang soon-to-be-bride.” Ow, so he’s, a her. Wala namang problema saakin kahit ano pang gender niya pero masasabi kong sayang siya char. Infairness, hindi ko nahalata iyon dahil masculine siyang maglakad.
“I’m really glad to finally meet you, Siszy. Pwede ba kitang tawaging Siszy you know, hindi kasi nagkakalayo ang looks nating dalawa.” Natawa naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi dahil sa naoffend but I like his humor.
“Sure, no problem.” Natatawa pa rin ako. Masasabi kong siya nga si Chelsea kapag nagsalita. Nakita ko namang bumaling si Chelsea kay Wyn at nanlalaking matang parang na starstrack.
“OMG! Mare!, hindi mo naman sinabi saakin na ang groom mo ay isa sa mga superstar ng FAME Boys. It’s an honor to me na ako magdedesign ng suit mo. You know I am fan, pwede bang magpaautograph mamaya.” Napatanga naman ako dahil sa sinabing yun ni Chelsea.
“Ahm, mare hindi siya ang groom. Wala rito ang groom, ang bride lang muna ang susukatan mo.” Si Riva na ang nagtama.
“Ay ganun ba? Pasensya na. Pero infairness may chemistry kayo. Pwede bang magpaautograph pa rin?” Nahihiya namang ngumiting tipid sakanya. Well, hindi ko alam kung complement ba iyon. Pero mukhang hindi mapalagay itong katabi ko.
“Sure. No problem.” Napapalakpak naman si Chelsea ng sabihin yun ni Wyn. Nagstart naman na itong magsuggest tungkol sa mga gown at binigyan niya rin kami ng magazine para maghanap ng magugustuhan ko. Yes, kami talaga dahil kahit hindi naman kasama si Wyn ay sinasama niya rin ito sa usapan at binigyan rin ng magazine.
"Don’t hesitate to let me know if you have a preferred design for your wedding gown. The ones here in the magazine are what’s available right now — feel free to try them on if you see something you like." Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagbuklat ng magazine. “May preferred ka bang style for your gown like ball gown? A line? Mermaid? Off-shoulder? Strapless? V-neck?”
“I don’t really have any specific preferences, but I want something that fits the wedding’s theme—and that’s a fairytale dream.” Matagal naman akong pinakatitigan ng tatlo hindi ko alam kung ano iniisip nila. Baka nababawan sila sa idea ko. Pero kasi ito lang yung naiisip ko sa ngayon pero kung ako talaga ang magdedecide iba rin ang nasa isip ko at alam kong hindi yung bagay sa fairytale na theme.
“"Oh, so the theme is fairytale? You’re in the right shop and with the right wedding coordinator then, right Riva? Sumama ka saakin, ipapakita ko sayo ang mga gowns na alam kong magugustuhan mo.” Hinila naman ako nito patayo kaya naman napatingin ako kay Wyn.
“Hintayin mo na lang ako diyan.” Saad ko rito at tumango naman ito. Nakita ko namang tumayo rin si Riva para samahan ako kaya hinayaan ko na lang ito. Pumasok naman kami sa isang kwarto ng punong puno ng gowns may binuksan pa itong cabinet siguro doon nakalagay ang mga tinutukoy niya.
“Mabuti na lang pala at si Riva ang pinili niyo wedding coor niyo. Alam mo kasi forte niya ang mga ganyang theme.” Pagkwekwento ni Chelsea saakin. Napatingin naman ako kay Riva na mukhang hindi inaasahan ang sinabi ng kaibigan nito. Forte? Bakit parang noong nagplaplano kami parang alanganin siya nun.
“Chelsea, ang daldal mo.” Babala niya sa kaibigan.
“Ano ka ba mare, okay lang yan kay siszy Ellese. Alam mo kasi Siszy kaya nasabi kong forte niyang si Riva ang ganyang theme dahil iyan rin ang gusto niyang dream wedding niya sa hinaharap at dahil single pa itong kumare ko kaya sa mga client niya na lang binubuhos ang mga gusto niyang ideas.” Hindi naman ako nagreact sa mga sinabi niya at napaisip naman ako sa mga kwento ni Chelsea at pinagtatagpi-tagpi ko ang mga ito. Ewan, pero para bang nagkakaroon ako ng mga idea sa utak ko pero hindi ko makumperma lahat.
“Ito, i-try mo itong tatlo kung anong magustuhan mo.”- Pinakita naman niya ang tatlong hawak niya at kahit tatatlo na lang ang mga iyon mukhang mahihirapan ako sa pagpili pa rin. Ang una niyang pinasukat nito ay ang isang Vintage Off the Shoulder Wedding Dresses with Cape Lace Up. Nagustuhan ito lalo ang mga lace at may mga pabutterfly effect siyang design.
“OMG! unang gown pa lang iyan pero mabagay na agad sayo Siszy. Ipakita natin kay Wyn gusto kong makita ang reaction niya.” Masaya sabi nito.
“Huh, hindi naman siya ang groom. Ano namang pakialam nun.”
“Ang manhid mo rin noh, mukhang may gusto nga yung tao sayo at kung hindi ako nagkamali kanina mapagkakamalan ko talagang kayo ang ikakasal. No offens ha. Wag mo na lang sasabihin ang pinagsasabi ko sa client mo Riva lalo na sa groom. Haha. Tara na, excited na akong makita ang reaction ng ating judge.” Napailing na lang ako dahil sa sinabi nito. Tumayo naman ako sa isang platform dahil iyon ang sabi ni Chelsea saakin. May kurtina at salamin kaya pinagmasdan ko lang ang reflection ko habang hinihintay na hawiin ni Chelsea ang kurtina hindi ko alam kung bakit kailangan pang ipakita yun kay Wyn alam ko namang wala lang sakanya iyon.
“Representing our Soon-to-be-bride. Miss Ellese.” Pag-announce niya kay napangiti lang ako dahil sa kalokohan niya. Dahang-dahan naman nitong hinawi ang kurtina kaya hindi ko pa makita ang mga reaction nila. Nakangiti lang ako hanggang mahawi na ng tuluyan ang kurtina at makita sila isa-isa. Pero tumigil ang mata ko sa lalaking hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Lalo lang akong naguguluhan hindi dahil sa reaction niya kundi dahil sa nararamdaman ko. Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Bakit ba sumunod pa ako sa gustong mangyari ni Chelsea alam kong wala lang sakanya ito.
“Yung next na ang isunod natin Chelsea medyo nangangati ako dito.” Pag-alibi ko at tumalikod na agad, ayoko ng makita ulit ang reaction niya at ayoko rin sa nararamdaman ko.