CHAPTER 3

1659 Words
Told myself that you were right for me But felt so lonely in your company- Gotye  3 weeks from now ay engagement party ko na at hanggang ngayon wala pa ring nakakaalam sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung nasabi ba ni Wyn sa mga kaibigan niya ang nangyaring pagkikita namin sa restaurant noong nakaraang mga araw . Pero mukhang wala itong nabangit sa mga kaibigan niya dahil hanggang ngayon ay hindi naman ako ginugulo ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanila ang bilis ng mga pangyayari sa sobrang bilis hindi ko namalayang engagement party na. Hindi ko alam kung matutuwa sila sa ibabalita ko. “Hoy, ang lalim nang iniisip mo. Lutang ka na naman.”- Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala si Era. Tama nga siya lutang nga talaga ako. “May dumating na package mo. Hindi ko yan binuksan ha.” May inabot naman siyang box saakin kaya tinanggap ko rin. Pinakiramdaman ko muna ito in fairness magaan wala akong alam na magpapadala nang ganito saakin. Mukhang curious rin ang kasama ko rito kung anong laman nito. Nang buksan ko ito bumungad saakin ang isang malaking red velvet box na kasing laki ng mga lalagyanan ng alahas I already have a hint kung ano ito pero hindi ko alam kung anong klaseng alahas ito. Hindi ko muna ito binuksan at binigyanng pansin ang card na naroon. Binasa ko ito dahil nagbabakasali na malaman kung sino ang nagbigay. To my future wife, I’m sorry kung hindi ko maibibigay ng personal ang munting regalo ko sayo. Sana magustuhan mo pa rin ito, I asked your mother kung anong mga paborito mo at sinabi niyang isa ito sa mga paborito mong i-collection. Don’t worry dahil kapag naging mag-asawa na tayo hindi kita pipigilan sa mga gusto mo kung kaya’t susuportahan pa kita sa mga gusto mo. I’m sorry ulit baka makarating na ako diyan sa araw ng engagement party dahil nasa business trip ako. I’ll update you from time to time. I missed you already, See you soon. PS. Paki-approve kung okay lang sayo ang invitation natin para sa engagement party. Kung hindi mo nagustuhan kindly contact my assistant secretary. Thank you. Your future husband Julian Hinahanap ko naman ang sinasabi nitong invitation kung saan nakita kong nandoon rin ang binigay nitong gift saakin pero hindi ko talaga mahagilap. Baka nagkamali siya ng padala. “You didn’t tell us that you were engage to Julian Camerone.” Walang emosyong sambit ni Era kaya napatingin ako sakanya at doon ko nakitang hawak niya ang invitation para sa engagement party namin. Hindi naman agad ako makapagsalita sa sinabi niya dahil ko alam kung anong tamang sabihin. “Is this another set up from your mother?” may bahid ng pag-aakusang turan uli nito. “Oo, last-last week lang nangyari. Sasabihin ko pa lang sana sainyo kaso naunahan mo na ako.” “At pumayag ka namang magpakasal sa lalaking ito? Si Julian Camerone pa talaga.” Hindi ko alam sa tono ng pananalita niya ay mukhang may alam siya tungkol kay Julian. “Why? Do you know him?” interesadong tanong ko. Hindi ko gaanong kilala yung tao dahil ilang linggo palang kaming magkakilala kaya naman naiitriga rin ako sakanya. Well so far so good naman ang pinapakita niya saakin. “Well, aside sa kilala ko siya bilang business man at kapatid ni Jill. Kilala siya bilang heartbreaker, ilan na ang naging fiance niya na hiniwalayan niya. Kasi ang bali-balita kapag nagcoconfess na sakanya nang feeling ang mga nakarelasyon, doon niya hinihiwalayan. Kumbaga papaasahin ka muna niya bago iiwan. Di ba, what a jerk.” Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko siya kilala personally kaya ayaw ko rin siyang husgahan na ganun na lang. Pero bigla naman akong nagkaideya dahil sa sinabing iyon ni Era. Kung totoo man ang sinasabi niya, well it is my advantage already. “Hoy, ayoko yang klase ng ngiti na iyan, Elle. May binabalak kang masama. Ano yun bruha?” “Well hindi mo ba naisip, kung totoo ang sinasabi mo. Advantage ko iyon sa part ko.” Masayang turan ko sakanya. “Huh? Hindi kita maiintindihan. Hahayaan mong basagin ka ng kumag na iyon?” “Do you think I will let him do that? I’m going to pretend that I’m madly inlove with him. Para siya mismo ang magcancel ng engagement namin. Atleast, hindi ako ang magmumukhang masama, makukuha ko pa ang kalayaan ko kapag nangyari yun. See I’m hitting two bird with one stone.” “Paano kung magbackfire ang plano mo? What if totoong mainlove ka kanya? Or worst siya naman ang mainlove saiyo?” “That’s impossible, hindi ako maiinlove sakanya.” Tinignan ko lang ito ng hindi makapaniwala. Asa siya, hindi ko hahayaang mangyari iyon. “Sabagay inlove ka pala hanggang ngayon kay Wyn.” Tinaasaan ko naman ito ng kilay dahil sa pinagsasabi nito. Saan naman nito nakuha ang idea na iyon? “Sinong sira ang nagsabi sayo niyan? Hindi ako inlove sa lalaking iyon, matagal ko nang kinalimutan kung anong meron sakanya.” “Yah right, whatever, labas sa ilong yang sinabi mo. Back to the topic, what if si Julian naman ang mainlove sayo at nagpretend kang inlove rin sakanya for sure lalong masisira ang plano mo kung nagkataon lalo nilang ipupursue ang wedding niyo. Kaya pag-isipan mong mabuti iyang plano mo.” Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya. Well, may point rin naman siya, sinong nga bang hindi maiinlove saakin ang hirap kasing maging maganda. “Hoy, alam ko iyang facial expression na iyan. Wag kang magbuhat ng sarili mong bangko. But kidding aside, wag mong hahayaang magamit ka niya.” ************** ************** “Ma’am ready na po, bagay na bagay po talaga sainyo.” Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa make-up artist ko. “Thank you.” Masasabi kong ginawa nila ang lahat para mapaganda talaga ako. Ayoko namang masayang ang effort nila baka isipin nilang hindi ko nagustuhan ang pinag-ayos nila. “Ang ganda nga.” Pero hindi bukal sa puso. May kulang, kulang nang saya at senseridad. Halos lahat ng tao sa bahay na ito ay aligaga or busy sa kaniya-kanya nilang ginagawa ako lang ata ang walang gana sa araw na ito. Today is the engagement party at nandito ako sa mansyon ng mga Camerone kung saan dito gaganapin ang engagement party, pero alam kong hindi naman talaga iyon ang ipupunta ng mga ibang bisita. Most of them they want to come for business purposes, yung iba naman siguro ang rason ay para masabi lang na naimbitahan at para may ipagyabang. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ito pero hindi naman ako ang may idea nito. Siguro gagawin ko lang mamaya ay magpakita at aalis na rin agad, ayokong magtagal sa ganitong lugar. Hindi ko rin alam kung pupunta ang mga kaibigan ko, halos ayokong imbitahan sila hindi dahil galit ako kanila. Pero dahil, ayokong makita nila na hindi ako masaya, ayokong makita nilang nakakaawa ako sa araw na ito. I’ve seen my friends when they got engaged, makikita mo ang saya sa mga mata nila na nakita na nila ang makakasama nila habang buhay at naiingit ako dahil doon. “We met again.” Nabalik ang diwa ko nang may nagsalita sa likuran ko kaya agad akong napatingin sa kanya. Ngiting tipid lang ang ibinigay ko sakanya, I know it sounds rude pero ayoko rin naman maging plastic sakanya hindi naman kami ganun kaclose para magbatian na parang magbestfriend. But it’s good to see her again after years. "I didn't believe it at first when my brother told me that he was going to marry you." “Yeah, I hope it sink now.” Hindi ko alam kung natutuwa ba siya na ako ang pakakasalan ng kuya but knowing, Jilliane Camerone the b*tch, she hates everyone. "I don’t like you for my brother." See, that’s what I’m talking about—at least we agree on that. "The feeling is mutual."Walang ganang saad ko. "Then why did you agree to this sh*t? Why am I even asking—I'm sure this is just another business negotiation. Whatever. Here's all I have to say to you: don’t let your fear consume you. Don’t let them control you, but at the same time, don’t hurt my brother either." Ano raw?Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinasabi niya. But I can’t believe it comes from her. Minsan hindi ko maintindihan ang babaeng ito. “Anong ginagawa mo rito, Jill?” Napatigil naman kami sa pag-usap nang may isa ulit na bisitang dumating. I guess, kapatid niya rin ito hindi ko pa sila nameet na magkakapatid lahat pero kilala ko naman na si Jillian at Julian. “Wala naman, kinakamusta ko lang ang fiance ni kuya Jul, kuya Johan.” Walang pakealam na sabi nito. “Kailan ka pa nangamusta ng fiance niya? Tha’t unsual, may binabalak kang masama noh? Kilala kita Jillian wag mo nang ituloy iyan.” “Wala akong ginagawa, pinayuhan ko lang siya dahil kilala ko siya kaya nagbigay lang ako ng warning sign para sakanya.” Wow, para OP naman ako sa magkapatid na ito. Pero infairness ang cool nilang tignan walang filter ang mga bibig nila kung mag-usap. Wala silang pakealam sa paligid nila. “Sira ka talaga, baka magalit si kuya sayo niyan.” Humarap na ito saakin bago magsalita muli “Kung ano man ang sinabi nitong kapatid namin sayo Ellese wag kang maniniwala. Siya nga pala pinapasundo ka na rin nina Mommy mukhang may meeting pa kayo sa may office ni dad bago magstart ang engagement party na ito. Nandoon na rin ang mga magulang mo. Haha.” Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Johan. Mukhang hindi ko matutuloy ang plano kong pag-alis mamaya nang maaga. Mukhang bantay sarado ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD