I worked my whole life
Just to get right, just to be like
"Look at me, I'm never coming down"- Rosé
Naikuyom ko ang kamay ko nang matapos kong marinig ang sinabi ng assistant ko saakin. Hinahanap ako ng mommy ko, hindi na ako nagtaka kung anong kailangan niya saakin. For sure, she’ll insist on the arranged marriage again. I just took a deep breath, hoping that somehow it would ease the burden I’m carrying, even though I know it won’t really solve my problem.
Isang linggo na rin nang mahospital ako, nang mga panahon na iyon umaasa akong dadalaw siya kahit alam kong malabo. Umaasa ako na sana magpakita man lang siya ng pag-alala saakin. Hindi ako galit sa mommy katunayan isa siya sa mga hinahangaan ko. Hindi ko kayang magtanim ng galit sakanya, iniisip ko na lang na para sa ikabubuti ko rin naman iyon kaya ganun siya. Hanggang ngayon sanay pa rin akong sundin ang mga utos niya kahit alam kong ayoko o hindi ko gusto. Ayoko kasing makita siyang nadidisappoint, the last time I didn’t follow her, she became even more distant from me. I thought that if I worked really hard, she’d be proud of me somehow, but I was wrong. It hurts when someone you love doesn’t support the things you want.
“Aalis ka?” Napahinto naman ako sa pagbukas ng pinto ng marinig si Gette na nagsalita. Humarap naman ako sakanya ng may ngiti. Ayokong nag-aalala siya/sila. Ayoko ng maulit ang nakaraan, natatakot akong makita ulit yung mga pag-alala at the same time disappoint sa mga mata nila. Natatakot akong baka lumayo rin ang loob nila saakin. Sa ngayon sila ang pinagkukuhanan ko ng lakas.
“Hmm, pupunta ako sa company ng Mommy ko. Gusto niya akong makita.” Hindi ko na lang sinabi kung anong totoong dahilan. Tinignan ko naman kung anong magiging reaksyon niya alam kong hindi niya gusto ang ideyang yun pero hindi niya lang masabi ng direkta. Hindi rin sekreto na hindi nila gusto ang mommy ko at ganun rin ang mommy. Si Era lang ang may lakas ng loob na pinagsasalitaan ang mommy ko pero hindi ko na lang pinapansin. Minsan nasasaktan akong pinagsasalitaan niya ng masasakit ang mommy ko pero hindi ko naman kayang magalit rin sakanya.
“Nagpunta ka na ba sa doktor mo?” alam kong nilalayo niya na ang usapan at ayaw ko ring pag-usapan ang mommy ko kaya mabuti na rin iyon.
“Hindi pa, siguro after kong makipag-usap sa Mommy. Baka sabay na rin kaming maglunch mamaya.” Pinapagaan ko na lang ang loob ko sa mga pinagsasabi ko. Alam kong impossible ring makasabay ko siyang kumain dahil never pang nangyari, kung meron man alam kong may mga kasama kami.
“Okay, tumawag ka kaagad kung hindi maganda ang pakiramdam mo.” Tumango lang ako sa sinabi niya. But deep inside, I know what she really meant was for me to call if something goes wrong during my meeting with my mother.
Mabilis rin akong nakarating sa pupuntahan ko. Ngumingiti lang ako sa mga nakakadanan kong empleyado ng mommy ko. My mom owns an agency for an artist and models, so ever since I was a child, I’ve been her model. I also endorsed products both locally and internationally. That’s what she wanted for me, but when I had the opportunity for a singing career, she got mad. I promised her that once my contract ended, I’d focus on what she wanted, pero kahit na sinusunod ko na ang mga gusto niya malayo pa rin ang loob niya saakin. So maybe, kapag sinunod ko ulit ang gusto niya ito magkakaayos na kami ng tuluyan. Pero kaya ko ba talagang i-sacrifice ang kaligayahan ko para sa ibang tao, siguro Oo?
Huminga ako ng malalim at binuksan ang opisina nito. Nakita ko itong busy sa mga ginagawa niya.
“Pinapatawag niyo raw ako?” nabaling naman ang atensyon niya saakin at itinigil ang ginagawa. Hindi ko alam kung napansin niyang pumasok ako pero mukhang hindi. Sino ba ako para pagtuunan niya ng pansin.
“Hindi na ako magpapaligoy pa, I set a lunch date with your fiancé today, so I want you to be there. I don’t want you to embarrass me again, do you understand?" halos gusto kong sumagot pero pinigilan ko ang sarili ko. Kung ito ang makakapag-ayos saamin, tatanggapin ko. Mapait na napangiti ako, ni hindi man lang niya ako inalok na maupo man lang or kamustahin. Pero ano bang aasahan ko. “You can leave now.” Malamig na saad pa nito. Hindi na ako nito pinagsalita pa, kaya wala na akong nagawa kundi ang sundin ang utos ulit nito.
Walang emosyong lumabas ako sa opisina nito. Hindi ko na rin pinapansin ang mga bumabating empleyado saakin hanggang sa makarating ako sa sasakyan na maghahatid pa punta kung saang lugar ang sinasabi nito. Wala na akong pakialam kong saan niya ako dalhin ang gusto ko na lamang mangyari ay matapos na ang araw na ito.
*************
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naghihintay sa sinabing lugar na pagkikitaan namin ng fiance ko kuno. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Akala ko ng dumating ako dito ako na hihintayin dahil mag-12nn na rin nun pero nagkamali pala ako at ako pa mismo ang naghihitay. Medyo nakaramdam na rin ako ng gutom ay wala pa rin ito. At kung hindi pa ito dumating ng 12:30 ay mag-oorder na ako at bahala na siya kung hindi ko man siya mahintay kapag natapos akong kumain. May 5 mins. pa halos 40 mins. ko na rin pala itong hinihintay. Ngayon pa lang bagsak na siya, pero wala na akong magagawa kung siya ang pinili para saakin.
Tumitingin na ako ng oorderin ko nang biglang may nagsalita sa harap ko kaya nag-angat ako ng tingin.
“I’m sorry, I’m late.” Baritong saad nito. Umupo naman ito sa harap ko pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin sakanya. Kinikilatis ko naman kung nakilala ko na ba siya pero mukhang hindi pa. Masasabi kong papasok siya sa pagiging model pero mukhang hindi iyon ang work niya. Bakit ba nag guess pa ako for sure into business rin ang isang ito. Maybe, isa sa mga business partner ni mommy. Pero hindi ko talaga siya kilala. "Are you done scrutinizing me?” Napakurap naman ako ng muli itong nagsalita. Hindi ko namalayang ang tagal ko pa lang nakatitig sakanya. Medyo, napahiya ko doon baka kung anong isipin niya. Napairap na lang ako at binaling muli ang tingin ko sa menu. Nakita ko ring ganun rin ang ginawa nito.
“I believe this is our first meeting together, I’m Julian Camerone.”- pormal namang inilahad nito ang kamay saakin upang makipagkamay. Bigla namang napakunot ako ng noo. Camerone? Familiar.
“Are you somehow related to Jillian Camerone?” Sana nagkakamali ako.
“She’s my sister.” OMG! Baka sabunutan ako ng babaeng yun. “May problema ba?” nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.
“Wala naman, kaya pala mukhang kang familiar. Ngayon ko lang napagtanto na may pagakakhawig kayo ng kapatid mo.” Infairness medyo gumaan ang pakiramdam ko sakanya. Medyo nawala rin ang pagkainis ko sakanya. Akala ko mapapanis na ang laway ko sakanya.
“Akala ko isa ka sa mga nakaaway ng kapatid ko. I know my sister has attitude problem but she good.” Natawa naman ako sa sinabi niya. Kung alam niya lang, para tuloy na replay yung nakaraan saakin pero hindi ko na lang sasabihin sakanya. Past is past naman na and I believe people change at isa siya sa nakita kong nagbago rin talaga.
“Hindi ko itatangi na may attitude problem ang kapatid mo dati.” Natatawang sagot ko. Nakita ko rin ang paggaan ng aura nito hindi tulad kanina na napakaseryosong tao. They say that first impressions don’t always last, and they're right
“I’m glad to see your bright aura. I thought our meeting would be stiff. To be frank, I don’t agree with this arranged marriage, and that’s one reason why I came here: to get to know the person they want me to marry. I’ve come to realize that meeting you makes me want to make this work.” Naumid naman ang dila ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa sinabi niya.
“And this is one of the reasons why I came here late.” May inilapag naman itong red velvet box sa mesa. Binuksan nito ang laman at tumambad ang isang diamond ring, I know this one is expensive, simple lang ito, typical para sa mga engagement ring. Wala namang kaso sakin iyon kung bigyan man ako or hindi. Pero bakit parang hindi ko kayang maging masaya. “May I?” hindi na ako nakatangi ng hinawakan nito ang kamay ko upang ilagay ang sing-sing sa ring finger ko. Napakagat na lang ako ng labi at nag-iwas ng tingin. Ngunit maling desisyon pala iyon, dahil hindi ko inaasahang makikita ko si Wyn at ganun rin itong nakatingin. Sa tingin ko ay kalalabas lang nito sa kotse niya. Mukhang papunta ito dito. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya sa mga oras na ito.
“I hope you like it. I’m not really a romantic person, but I promise that I will give you a decent engagement party and a wedding.” Dapat hindi na ako magulat sa mga ganitong bagay dahil sa umpisa pa lang ito naman talaga ang ipinunta ko. At bakit ba iba ang inaalala ko habang may kasama akong iba. Sa tingin ko sumama na ang pakiramdamn ko at mukhang tama ang hinala ni Gette. Kailangan ko na atang tumawag sakanya.