CHAPTER 1

1104 Words
Two hearts still beating On with different rhythms Maybe we should let this go- T. Chainsmokers Nagising ako na mabigat ang pakiramdam ko. Inilibot ko ang tingin kung nasan ako, ang huli kong natatandaan ay…Napabuntong hininga lang ako dahil sa huli kong natatandaan. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko sa sarili ko ang mga bagay na yun. At that moment, all I could think about was wanting to end all the pain I was feeling. So, I took sleeping pills and wine at the same time. Halos maubos ko ang laman ng garapon ng sleeping pills, And the result, I'm lying in a hospital bed with an IV drip attached to my hand. I don't know who brought me here. Maybe it was one of my friends. Maya-maya pa’y naramdaman kong may pumasok sa kwarto pero hindi ko tinignan ito. Nakatingin lang ako sa may bintana, maraming pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong nagising pa dahil sa pagising kong muli bumalik ulit kung anong dahilan kung bakit ginagawa ko ang mga bagay na ito. “Mabuti naman nagising ka na.”- Hindi ko matukoy kung masaya o hindi ito nang sabihin niya mga salitang iyon. Nilingon ko kung sinong ang bisitang dumating. Hindi ko inaasahan na siya ang una kong makikita sa muli kong paggising. You can see the exhaustion and sleeplessness in his eyes, though I can't tell why. I can also sense that he wants to say something, but he's holding back from speaking. “Tatawagin ko ang doktor, may kailangan ka ba?” Nagpipigil na galit nito. Iyon ang naramdaman ko. Pero bakit? Umiling lang ako bilang sagot sa tanong nito kanina. Wala akong lakas na magsalita at lalong wala akong lakas na makaharap ito. Nakahingan naman ako nang maluwag ng lumabas na ito. Bakit ba nararamdaman ko pa ito? Matagal ko ng kinalimutan ang nararamdaman kong ito bakit bumabalik ulit? Siguro kailangan ko ulit magpakabusy para makalimutan ko. Tama, kapag lumabas ako dito itutok ko sa trabaho ang sarili ko para makalimot. The doctor came in and ran some tests on me. They refer me to a therapist after I'm discharged. I know exactly why they made that recommendation. Nakita ko namang pumasok rin ang mga kaibigan ko at kasama ang mga asawa’t boyfriend nila. Hindi ko mapigilang na maingit sakanila pero hindi ko na lang pinapahalata. Masaya akong makita muli sila. Unang lumapit si Jho saakin na umiiyak, akala ko ay yayakapin ako nito pero bigla niya akong binatukan. What a true friend. Tapos mas lalo pa siyang umiyak sa ginawa niya. Ano kaya yun? Ako na nga ang nasaktan pero siya pa itong umiyak. Hindi ko siya masisi dahil siguro buntis ito kaya medyo sensitive ito pero ganun rin naman si Camilla pero hindi naman nanakit. “Wow, thank you ha. Ang ganda ng bungad mo saakin.” Natatawang saad ko sakanya. Kahit papaano naibsan ang mabigat na atmosphere kanina. “Bati ko sayo iyan para magising at mahimasmasan ka sa ginawa mo.” Naluluhang sabi niya. Pero satingin ko mukhang tama siya kailangan ko nga ata iyon pero hindi sapat. Mahabang katahimikan naman ang muling namayani sa loob ng kwarto. Ayoko nang ganitong ambiance alam ko kung anong iniisip nila. Gusto nilang mag-ingat sa mga salitang bibitawan nila dahil iniisip nilang baka makaapekto iyon saakin. Kaya ako na mismo ang pumutol muli ng katahimikan. I want to start a conversation. “Sino pa lang nagdala saakin dito?” Tumingin naman ako sakanila na nagtatanong. Mahirap bang sagutin ang tanong ko at hindi sila makasagot agad? Pero biglang nagsalita naman si Steven sa isang tabi. “Si Jhoanne ang nagdala sayo rito. Saka niya ako tinawagan.” Sagot ni Steven na asawa ng kaibigan nito. Para bang galit na nagtitimpi ito nang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Magpapasalamat na sana ako kay Jho nang bigla ulit itong magsalita. “ I’m sorry, Gette. Sinabi mo saaming mag-iingat kami sa mga salitang sasabihin namin sakanya. Pero hindi ako makakapagtimpi kapag hindi ko ito nasabi." seryosong humarap naman ito saakin hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Nakilala ko si Steven na pilyo at masiyahin pero sa mga oras na iyon iba ang nakikita ko. Para itong may hinanakit saakin. "Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito, Ellese. May mga kaibigan kang handang tumulong sayo pero pinili mong sarilihin. Akala mo ba kapag nawala ka matatapos ang problema mo?” Dama mo ang mga hinanakit sa bawat salitang binibitawan niya at alam kong ramdam iyon ng mga taong nasa loob. “That’s enough bro. Lumabas muna tayo.” Pigil naman ni Maze na kaibigan niya at ginagaya na siyang lumabas pero nagmatigas pa rin ito. “No! dapat malaman niya ito. Muntik ng makunan ang asawa ko dahil sa pag-aalala sakanya. Hindi lang dapat siya ang iniintindi rito dapat matuto rin siyang intindihin ang mga taong mahalaga sakanya.” Nagulat naman ako dahil sa sinabing yun ni Steven. Tumingin naman ako kay Jhoanne pero nag-iwas lang ito at pinuntahan ang asawa upang samahang lumabas. Mahabang katahimikan ang namayani muli sa kwarto. Alam mong maraming tao sa loob pero nararamdaman kong mag-isa lang ako. “Wag mo nang intindihin yung sinabi ni Steven sayo. Alam kong hindi ka sinisisi ni Jhoanne. Magpahinga ka na muna babalik ulit kami rito.” – Saad ni Gette at niyakap ako. Lumapit naman sina Era at Camilla upang yumakap rin. “Hindi ka namin sinisisi. Pero ito lang ang tatandaan mo sana wag mong kalimutan na may mga kaibigan kang tutulong sayo.” – Madalas kaming magbangayan ni Era pero ngayon ko lang ito narinig na nagsalita ng seryoso. “Don't hesitate to share your problem. There's a saying that five heads are better than one. Ano pa't naging kaibigan mo kami kung kahit kami binabalewala mo rin.” – Camilla, napangiti nalang ako dahil sa mga sinabi nilang iyon ngayon narealize ko na hindi ako nag-iisa. Nakalimutan kong may mga kaibigan pa pala ako na ipinagpapasalamat ko. Naalala ko noong pinagpili kami ni Wyn sa survival show kung mananatili kami or hindi. At that time, I was scared, because I knew he was the only one on my side during those moments, and if I let him go, I might lose everything. But it turns out that my decision was right, in a way, because if I hadn't done it, I wouldn't have met my friends now. Maybe we need to sacrifice a few things to see the beautiful results that come from it. They are my precious treasures that I can't afford to lose now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD