CHAPTER 3: Love At First-Sight.

3198 Words
CHAPTER 3: Love At First-Sight. Written by: CDLiNKPh "MAG-IINGAT ka sa pagmamaneho Bong, ha? Siguraduhin mo na masusundo mo mamaya si Colleen. Unang araw niya sa klase at bago lang din tayo sa lugar na ito kaya siguradong maliligaw 'yan." Ang bilin ni Eula sa asawa. "Mama naman! Hindi na ako bata para maligaw! Dalaga na po ang anak 'nyo!" Pagmamaktol ni Colleen. "Dalaga? Kaya pala umiihi ka pa rin sa kama hanggang ngayon! Mabuti at hindi mo 'yan ginawa noong magkatabi pa kayo ng Kuya mo sa iisang kwarto!" 'Di mapigiling pambubuko ng mama niya. Napagawa na ang ilang bahagi ng bahay at naayos na rin ang kwarto niya kaya hindi na sila magkatabi ni Carlo. Namula siya sa hiya lalo na nang tumawa ng malakas si Carlo. "'Yan ba ang sinasabi mong dalaga ha, Colleen? Tama si Mama, mabuti at 'di ka umihi sa kwarto ko dahil kung hindi,talagang ihahagis kita sa bintana!" Pangangatyaw ni Carlo na ikinapikon naman niya agad. "Mama! Hindi naman ako umihi e! Natapunan lang ng tubig ang kama ko dahil may tumalong pusa kaya nasangga yung nilagay kong pitsel!" Pagdadahilan niya kahit alam naman niya na alam rin naman ng mga ito ang totoo. Gusto lang talaga syang asarin ni Carlo. Nakaugalian kasi niya na maglagay ng tubig sa gilid ng kama dahil madalas siyang mauhaw sa madaling araw. At isa pa, may banyo naman siya sa loob ng kwarto kaya paano siyang iihi? "Oo na, sige na Baby naniniwala na si Mama. Huwag ka nang mag-alala at hindi na makakapasok sa bahay natin ang pusang 'yon. Baka mamaya bigla na namang bumalik ang hika mo. Sige na, pumasok na kayo. At ikaw Carlo, tigilan mo ang pang aasar dito sa kapatid mo," sabi ni Eula kay Carlo. Tumawa lang si Carlo saka sumakay na sila sa taxi na minamaneho ni Bong. Iyon na ang ginawa nitong hanap-buhay simula nang lumipat sila sa Maynila. Hanggang sa makarating na sila sa School. Sa gate pa lang ay bongga na ang laki. "Hep, hep, hep! Kuya Carlo, utang na loob 'wag ka nang bumaba!" Pagpigil niya sa Kuya niya nang akmang bababa na ito. "At bakit hindi ha, Colleen? Malaki ang Phoenix University! Gusto mo maligaw ka sa loob? Wala ka pa namang sense of direction!" Apela ng kapatid niya. "Ang sama mo naman Kuya. Matagal-tagal din tayong hindi nagkita kaya hindi mo alam na nagbago na ako. Hindi ako maliligaw dito, 'di na 'ko bata 'no! Nakakahiya kaya kapag nakita ako ng iba kong kaklase dito, sabihin pa nila anlaki-laki ko na nagpapahatid pa ako." Esplika niya. "Ah, gano'n? So, kinahihiya mo na ako ngayon? Sa tingin mo kung pinanganak kang lalaki pakikialaman kita? Kababae mong tao maglalakad ka ng mag-isa sa loob? Hindi pwede!" Pamimilit nito. "Kuya, wala naman ako sa labas tandaan mo nasa loob ako ng School! Saka sigurado naman may makilala na rin ako riyan sa loob kaya 'wag mo na akong intindihin! Oa ka na talaga!" Inis nang sabi niya. "Carlo, anak, hayaan mo na ang kapatid mo. Fourth year high school na siya, kaya niya na ang sarili niya. Wala namang mangyayari sa kanyang masama dahil nasa loob siya ng School. Hindi na elementary student 'yang kapatid mo. Aagahan ko na lang ang pagsundo sa kanya mamaya kaya huwag ka nang masyadong mag-alala," pangungumbinsi ni Bong. Naiinis man ay wala na ring nagawa si Carlo. "Bahala ka na nga. Basta huwag kang gagawa ng kalokohan ha, Colleen? Ngayon ang unang araw mo kaya hindi pwedeng may makaka-away ka kaagad," bilin pa nito. "Kuya, hindi ako basagbulera." Nangingipis na ang ngiti sa mukha na sabi niya. Kung minsan talaga parang mas tatay pa ang Kuya Carlo niya kaysa sa Tatay Bong nila. Hindi rin naman niya masisi ito dahil ito naman ang nagpapaaral sa kanya at nagtatrabaho ito para may mabigay na panggastos sa kanya. Pero minsan ay hindi niya maiwasan ang mag-duda. Para kasing lalaking nagseselos si Carlo. Naaalala pa niya na madalas siyang pagbawalan nito na makipag-kaibigan sa mga lalaki noon. Naisip nga niya noon na baka in-love ito sa kanya. Pero imposible naman iyon dahil magkapatid sila. Wala naman sila sa shoujo manga. "Sige na Kuya, ba-bye! Ingat po kayo sa pamamasada Papa!" Paalam na niya bago pa magbago ang isip ng kapatid niya. Umalis na rin ang mga ito. Pumasok na si Colleen sa loob. Namamangha pa rin siya sa laki niyon. Ang Phoenix University ang isa sa mga pinaka-ginagalang at pinakatinitingala sa kanilang bansa. Karamihan sa mga nakakapasok doon ay puro mga anak ng mayayaman at may mangilan-ngilan lamang na scholar. Ang University na iyon ay pwede sa elementary, high school at college. Nasa magkakaibang building ang bawat-isa. Napakaswerte niya dahil tinuruan siya ng kapatid niyang genius kaya nakalusot siya sa entrance exam. Hindi siya pwedeng magpabaya sa pag-aaral dahil sa laki ng babayaran ng Kuya niya sa tuition fee. ---- MULA sa hindi kalayuan ay may isang lalaking nagngangalang Elijah ang nakatambay sa Oval. "Bossing! Ano ng plano mo kay Jessica? Galit na galit na 'yung kabilang g**g dahil inagawan mo raw ng syota ang leader nila. Medyo mabigat na kalaban ang g**g na 'yun. Malakas sila at marami na silang napapatay. At hanggang ngayon hindi pa rin sila nakukulong!" ang sabi ng alalay ni Elijah sa kanya. "Bakit Bugoy? Natatakot ka?" Walang anumang tanong niya saka humithit ng sigarilyo. "Naku, hindi Bossing! Bakit ako matatakot eh alam ko namang bigatin kayo! Marami na ring humamon sa samahan natin pero dahil sa magaling kang makipaglaban at umisip ng paraan nabigo ang lahat na mapabagsak tayo!" ninenerbyos na sagot ni Bugoy. Takot na takot ito sa kanya dahil siya ang leader ng g**g. "Mabuti kung gano'n. Kasi ayoko ng duwag sa grupo. Dahil ang duwag walang pakinabang. At ang mga walang pakinabang dinudurog ko," dahan-dahang sabi niya na nakangisi man ay kakikitaan pa rin ng kaseryosohan sa sinasabi. Tinapon at tinapakan niya ang sigarilyo na hawak na para bang ulo ng tao ang gusto niyang durugin. Sindak naman ang mga alalay niya sa ginawa niya. Dahil doon ay nakaramdam na naman siya ng superiority. Siya si Elijah. Walang kinatatakutan... "Naboboring na ako sa school na 'to. Tara, pumunta tayo sa Bar. Manggulo tayo," muling sabi niya. --- SAMANTALA, kay Colleen. Ano ba naman 'to? Naguguluhan na talaga ako! Bakit ba parang pare-pareho na lang ang dinaraanan ko? Naku, nasaan ba ang building na 'to?' aniya sa isip na natataranta na. Kanina pa siya paikot-ikot at male-late na siya sa klase niya pero hindi pa rin niya makita ang room na dapat niyang pasukan. Hanggang sa hinangin ang note na hawak hawak niya kung saan nakalagay ang building at room number ng classroom niya sa araw na iyon. At ang mas kinagulat pa niya ay nang malaman kung saan hinangin ang papel na hawak niya! Sa isang lalaking nakaitim! Para bang gulat na gulat at may halo ring takot ang mga kasamahan nito dahil tumama mismo sa mukha ng lalaking iyon ang kapirasong papel. Napalunok siya nang makitang nakasimangot ang lalaki. Kinakabahan naman ang mga kasamahan ni Elijah. Alam nila kung gaano kabagsik ang temper ni Elijah at masama na talaga ang mood nito kanina pa. Baka mapagbuntunan nito ng galit ang babae. Kahit mga maliliit na bagay ay pinalalaki pa naman ng Leader nila. Unti-unting lumapit ang lalaki kay Colleen. Saka ito biglang ngumiti. "Is there anything I can help you with, Miss? Nawawala ka ba?" Simpatikong ngumiti ang lalaki. Ang layo ng itsura nito ngayon kung ikukumpara kanina. Para itong maamong tupa. "A-Ah, kuwan, naliligaw kasi ako Kuya. Bago lang ako rito at napakalaki nitong school kaya hindi ko na matandaan kung saan ako dumaan kanina. Pasensya ka na kung nalipad sa mukha mo ang papel na hawak ko!" Paghingi nya ng pasensya. "No worries Baby, 'wag mo nang isipin iyon. Ako nga pala si Elijah. Ikaw, anong pangalan mo?" nakangiting tanong ng simpatikong lalaki saka inilahad ang kamay nito sa kanya. "Colleen! Colleen po ang pangalan ko," nahihiyang sabi niya. "Kanina 'Kuya'. Ngayon naman 'po'. Parang pinapatanda mo naman yata ako niyan e. Alam ko na fourth year high school ka pa lang dahil diyan sa uniform mo pero hindi pa naman ako ganun katanda. Elijah na lang okey na." Titig na titig sa kanya si Elijah. Para bang gusto siya nitong tunawin. "A-ah, o sige, Elijah," kiming sabi niya. Ngumiti pa itong lalo. "Mabuti pa siguro samahan na kita sa room mo. Tara?" Ngiting paanyaya nito. Sumunod na rin siya dahil wala na siyang choice. Male-late na s'ya! SA wakas ay narating na rin nila ang class room ni Colleen. Hindi naman pala iyon kalayuan sa pinaggalingan nila kanina. "Salamat, Elijah. Kung hindi dahil sa'yo, hindi na ako makakarating dito. Sigurado ako na mapapagalitan ako sa amin kung sa unang araw ko pa lang sa klase hindi pa ako makakapasok. Salamat talaga!" todo pasasalamat ni Colleen sa kanya. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay niya rito. Pero para bang hindi ito makaramdam na nakikipag-flirt na siya rito. "Paano ko ba naman matatanggihan ang isang napakagandang babaeng katulad mo?" sabi niya na lumapit saka hinaplos ang pisngi nito. "O paano? Saan tayo mamaya?" paglalandi niya pa. Alam niya na walang makakatangi sa ngiti niyang iyon. Pero binibigyan siya nito ng inosenteng tingin na para bang hindi pa ito naliligawan kahit na kailan. "S-saan? A-ah! Magpapalibre ka! Konti lang ang pera ko pero sige ibibili kita kahit fishball lang mamaya roon sa labas! Pagpasensyahan mo na lang muna ha? O paano, mauna na ako! Salamat ulit! Ba-bye!" Paalam ni Colleen na hindi na talaga nakuha ang ibig sabihin niya. Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapatigagal at masundan na lang ito ng tingin. Pakiramdam niya nasupalpal siya. Unang beses na nangyari sa kanya iyon na hindi napansin ng isang babae ang pagpapapansin niya. "Bossing, ano ang nakain ninyo at nag-aksaya kayo ng panahon sa babaeng iyon? Inisnab ka lang Bossing anong plano mo niyan?" nakangising tanong ni Bugoy. Ang kanang kamay niyang bungi ang ngipin. Sinimangutan lang niya ito at tumahimik na ito. Muling napabaling ang tingin niya kay Colleen na ngayon ay nakapasok na sa loob ng class room. Parang napapagalitan ito. Siguro dahil late na itong pumasok at unang araw pa naman ng klase ngayon. Napangiti siya. Tingnan natin kung hanggang saan tatagal ang pagpapakipot mo, sa isip niya. Tumambay pa ang grupo nila sa tapat ng class room nina Colleen. Ni hindi na niya alitana ang oras at nagkasya na lamang siya sa pagmamasid sa kagandahan ni Colleen. Hindi niya alam kung bakit pero parang meron sa babaeng iyon na isang bagay kaya parang gustong-gusto niya ito. Kung anuman iyon, aalamin niya pa lang. Wala namang magawa ang mga tagasunod niya kundi ang tumunganga rin doon at samahan siya. Siya ang nasusunod kung saan sila pupunta. "Bossing hanggang kaylan ba tayo tutunganga rito at babantayan ang babaeng iyon? Sa totoo lang, wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanya e. Medyo cute nga siya oo, pero hindi ba at 'di naman mga tulad niya ang mga tipo mong babae? Inihatid mo pa siya kanina." Pang-iistorbo ng bwisit niyang kanang kamay na si Bugoy sa pagnilay-nilay niya sa pagtitig sa mukha ni Colleen. Tiningnan niya ito ng masama. At katulad ng ibang mga kampon niya roon ay takot din ito sa kanya at pinagpapawisan ng malamig kapag natitingnan niya ng hindi maganda. "Ang problema kasi sa'yo Bugoy, bungi ka na duling ka pa kaya wala kang makitang maganda sa kanya. Sa paningin ko siya ang pinakamaganda sa ngayon kaya sisiguraduhin ko sa inyo na hindi magtatagal ay magiging girlfriend ko rin siya." Kumpyansang pagyayabang niya. "Ano?!" Sabay-sabay pa na chorus ng tatlong alalay niya. "Anong nakakagulat sa sinabi ko?" Walang anumang tanong niya na humithit ng sigarilyo habang ang mga mata ay nasa malayo pa rin. Nasa room kung nasaan si Colleen. Malapit lang ito sa bintana kaya kitang-kita nila ang bawat kilos nito. "Pero Bossing, hindi n'yo ba nakikita? Fourth year high school pa lang s'ya! At tayo, fourth year college na! Hindi mo na rin ma-eenjoy kung sakali mang maging kayo nga dahil graduating na tayo! Bukod dun, naiiba siya sa lahat ng mga naging babae mo Bossing. Mukha siyang inosente eh! Mukhang magiging boring ang love life mo kapag idinagdag mo siya sa mga girlfriends mo! 'Di ba nga, ang type mo eh yung mga sexy, elegante, wild at intelehente? Tingnan mo nga siya, walang kadibdib-dibdib! Para pang bata kung kumilos at mukha pang bobo!" Sobra na sa panlalait na sabi ni Fredo. Isa na namang masamang tingin ang ibinigay niya sa alalay niya. Sa sinabi nito ay biglang nasira ang araw niya. Atsaka niya sinenyasahan ito na lumapit sa kanya. Natatakot man ay sumunod ito. At doon ay bigla niya itong sinikmuraan. "Ayusin mo ang pananalita mo Fredo. Hindi kita binigyan ng karangalan para lang maging alipores ko kung mamanduhan mo lang ako. Ayoko sa lahat ay iyong pinapangunahan ako eh. Ihanda mo na ang sarili mo dahil bukas na bukas din ay hindi ka na makakapasok pa sa School na ito," naiinis na talaga na sabi niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang galit niya nang marinig ang panlalait nito kay Colleen. Pakiramdam niya, siya ang mas nasaktan para rito. "Bossing seryoso ba kayo? Nagbibiro lang naman ako e! Hindi ko na siya lalaitin ulit! Huwag ka nang magalit Bossing!" tarantang-tarantang sabi nito. Takot na mawala ang scholarship na ibinigay niya rito kahit hindi naman ito matalino. Binibigyan niya ng benepisyo ang kahit sinumang taong napapalapit sa kanya at sumusunod sa gusto niya pero ganoon din niya kabilis na tinatanggal iyon kapag ginusto niya. "Tanggalin nyo nga sa harapan ko ang lalaking 'yan. Maingay. Patahimikin n'yo," utos niya kina Bugoy at Berto. Wala namang pag-aalinlangan na sumunod ang mga ito at kinaladkad na palayo sa kanya ang lalaking sumira ng araw niya. "Bossing, huwag mong gawin sa akin 'to! Akala ko magkakaibigan tayo?" Maluha-luha nang humagulgol ito nang lapitan na rin ito ng iba pang myembro ng g**g at pinagbubugbog. Maraming nakakakita pero walang naglalakas loob pumigil. Takot ang lahat sa kanila. Dahil siya si Elijah Salvador. Young Master ang tawag sa kanya sa corporate world dahil nag-iisang apo na lalaki siya ng isa sa pinakamayamang business tychoon sa bansa. Marami silang iba't-ibang business hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba't-ibang panig ng mundo. Lahat nabibili nila kahit pa ang hustisya. Ilang beses na siyang nakapatay pero kahit isang beses ay hindi pa niya nahahawakan ang malamig na rehas. Simula pa noong bata siya ay nakukuha na niya ang lahat ng gusto niya at maging ang mga babae ay hindi na niya kailangan pang ligawan dahil sila na mismo ang lumalapit. Sa kabila ng pagiging delingkwente niya sa School na iyon ay wala ring kumakalaban sa kanya dahil noong nakaraang taon lang ay binili na nila ang buong School kaya naman lalo lang nadagdagan ang takot ng mga estudyante roon sa kanya maging ng mga guro. Bihira lang din niyang pasukan ang mga klase niya dahil matagal na niyang napag-aralan ang kursong kinuha niya. Halos saulo na nga niya ang mga itinuturo ng mga teacher kaya kapag may mga exams na lang siya pumapasok kahit nasa loob pa rin naman siya ng school at hindi pumapasok sa klase. Palagi siyang nangunguna at kahit ano pang pagsisikap ang gawin ng mga baduy na palaaral doon ay wala pa ring nakakatalo sa kanya pagdating sa klase. Isa siyang henyo at may kataasan ang IQ niya pero pinili niyang maging delingkwente dahil ayaw niya ng buhay na boring. Ayaw din niyang maging sunud-sunuran sa magulang na gusto siyang gawing robot na puro pag-aaral lang ang inaatupag. Matalino nga siya. Pero may sarili siyang buhay na hindi niya hahayaan na panghawakan ng iba. Pero sa kabila ng pagiging delingkwente niya ay maaga rin siyang tumanda. Bata pa lang siya ay tinanggap na niya sa sarili na kailangan niyang maging magaling sa lahat ng bagay. Iyon ay dahil siya ang magiging tagapagmana ng pamilya nila. Isang tao lang ang nakatalo sa kanya noon pagdating sa pag-aaral at hindi na niya gustong maalala pa ang mukha ng traydor na lalaking itinuring niya noong kaisa-isahang kaibigan. Tinitigan na lang niyang muli ang mukha ng babaeng nagpapasaya sa kanya ngayon. Hindi niya alam kung bakit pero kahit ang simpleng pagtingin lang niya rito ay kaagad nang nagpapawala sa kahit anumang init ng ulo niya. Magiging akin ka rin, Ms. Colleen Sandoval, sa isip-isip niya. Doon na tumunog ang cellphone niya. Inis na sinagot niya iyon. "Sino 'to?" iritableng tanong niya. "Kumusta na? Young master? Nakakalimutan mo na ba ang magandang boses kong ito?" Hindi man niya nakikita ay alam niyang nakangisi na nagsasalita ang taong kausap niya. "Mga importanteng tao lang ang natatandaan ko. Hindi 'yung mga walang kwenta at boses halimaw pa na katulad mo." Pambabara niya sa hindi kilalang kausap. Halatang napikon agad ito. "Tingnan natin kung hanggang saan uubra 'yang kayabangan mo! Hawak ko ngayon ang girlfriend mo na si Soledad! Papatayin ko s'ya kung hindi ka pupunta rito ngayon!" Saka nito ibinigay ang telepono sa halatang hirap na hirap nang magsalita na babae. "Babe! Natatakot ako, tulungan mo ako baka patayin nila ako!" Hagulgol na pagsaklolo ng babae. Saglit lamang itong nakapagsalita at pagkatapos ay narinig na niyang inagaw na naman ng lalaki ang telepono mula rito. "Ang lakas ng loob mong agawin ang mahal ko! May girlfriend ka na naman pala!" inis na inis na sabi ng panget na boses na lalaki na siya nang may hawak ng telepono ngayon. "Hindi ko kasalanan na pangit ka kaya iniwanan ka niya. Siya ang lumapit at naghabol sa akin kaya pinagbigyan ko na para naman hindi mapahiya. Gusto mo iyong-iyo na siya. Ayoko ng babaeng maingay. At bahala ka kung ano gusto mong gawin sa Soledad na 'yan. Marami akong girlfriends, hindi siya kawalan. Kung inaakala mong matatakot ako, riyan ka nagkakamali. Hindi ako pupunta riyan dahil lang sa sinabi mo kaya huwag ka nang mag-aksaya ng panahon," bagot na bagot na sabi nya. Halatang napikon na naman ito sa pangalawang pagkakataon pero bumawi ulit at humalakhak pa. "Hindi ko akalain na duwag pala ang leader ng g**g sa Phoenix University! Bakit hindi mo na lang aminin? Na natatakot ka lang kaya ayaw mong pumunta rito? Bakla ka siguro!" Humalakhak pa ang lalaki na hinaluan pa ng pang-aalaska ang sinabi. "Huwag mo nga akong patawanin. Kahit kamatayan hindi ko kinatatakutan. Kilala mo ba si Satanas? Humanda ka na dahil mamaya lang makikilala mo na siya. Pagbibigyan kita kung gusto mo na talagang mamatay. Kung gusto mo ng laro, sige pagbibigyan kita, pero kung ako sa'yo magtago-tago ka na," nakangising pananakot na rin niya saka pinatay ang cellphone. Sinuot na niya ang helmet. Binigyan pa niya ng huling sulyap si Colleen saka pinaharurot ang motorsiklo. --- NAGULAT ang mga alipores ni Elijah nang mamataang umalis na ang pinuno nila. Narinig nila ang usapan dahil nai-loud speaker ng Boss nila ang cellphone nito. Hindi man lamang ito nagyakag na isama sila. Balak ba nitong harapin ang pangalawa sa pinakanakakatakot na g**g sa lugar nila ng mag-isa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD