Sa loob ng classroom ng Nursing 3-A, kasalukuyang nasa gitna ng isang Return Demonstration ang klase.
Lahat ay seryoso sa pag-aaral ng tamang pag-insert ng IV catheter, maliban kay TJ.
Nakaupo siya sa pinakalikod, nakasuot ng earphones, at busy sa pag-scroll sa kanyang phone.
Para sa kanya, basic na ang itinuturo dahil marami na siyang na-obserbahan sa LA, at wala siya sa mood na makinig sa "paulit-ulit" na paliwanag.
"Ms. Silverio!" tawag ni Professor Ramos, isang striktong ginang na kilala sa pagiging terror sa Nursing department.
Hindi lumingon si TJ. Patuloy lang siya sa pag-tap sa screen. Isang kaklase ang humarap sa kanya at kinalabit siya.
"Ano ba?" iritableng sabi ni TJ sabay tanggal ng isang earphone.
"Ms. Silverio, since you seem so uninterested in my lecture, why don't you come here in front and perform the IV insertion on the mannequin?" hamon ni Prof. Ramos.
Tumingin si TJ sa mannequin, pagkatapos ay sa professor. "I've seen this a thousand times in the States, Ma'am. It's boring. Can we just skip to something more... challenging?"
Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase niya. “Grabe, ang yabang,” bulong ng isa.
"In this university, we follow the curriculum. At sa Nursing, walang 'boring' na procedure. Every step matters," giit ng Professor.
"Now, come here and do it, or I will mark you absent for today."
"Then mark me absent. I don't care," sagot ni TJ sabay balik ng earphones sa tenga.
2:30 PM. Navarro-Silverio Law Offices
Seryosong nagbabasa si Ethan ng isang legal brief para sa isang malaking kaso nang mag-ring ang kanyang personal phone.
"Hello? This is Attorney Navarro."
"Attorney, this is Professor Ramos from the College of Nursing. I'm calling because your ward, Ms. Therese Joyce Silverio, is being highly disrespectful and refusing to participate in our laboratory activity."
Napapikit si Ethan at hinilot ang kanyang sintido. "What did she do this time, Ma'am?"
"She’s currently sitting at the back, ignoring my instructions, and even told me to mark her absent. I cannot tolerate this kind of attitude in my class, Attorney. If this continues, I might have to drop her from my subject."
"I apologize, Professor. I'll be there in fifteen minutes. Please, don't drop her yet."
Ang Pagdating ni Ethan nagkakagulo pa rin sa loob ng classroom nang biglang bumukas ang pinto. Lahat ay napalingon, kabilang na si TJ na bahagyang napaayos ng upo nang makita si Ethan.
Galit si Ethan—kitang-kita iyon sa igting ng kanyang panga at sa bilis ng kanyang paghinga. Pero bilang isang abogado, nanatili siyang kontrolado.
"Professor Ramos, I'm sorry for the interruption," wika ni Ethan, sabay tingin nang matalim kay TJ.
"Ms. Silverio, get your things. Now."
"Why? Hindi pa tapos ang class—"
"I said, get your things," malamig na utos ni Ethan. Ang boses niya ay walang halong biro, sapat na para manginig ang mga kaklase ni TJ sa takot.
Tumayo si TJ, padabog na isinilid ang mga gamit sa bag, at naglakad palabas. Sumunod si Ethan pagkatapos humingi muli ng paumanhin sa professor.
Ang Paghaharap sa Hallway
"Ano bang problema mo?! Napapahiya ako sa harap ng mga kaklase ko!" sigaw ni TJ nang makalabas sila sa building, bakas ang matinding inis sa kanyang boses.
Humarap sa kanya si Ethan, ang distansya nila ay sapat lamang para maramdaman ang init ng galit sa isa’t isa. "Napapahiya? TJ, ako ang napapahiya! I gave my word to Grandpa and to the Dean that you would behave! Isang araw pa lang, gumagawa ka na ng eksena?"
"It was boring! I already know those things!" depensa ni TJ.
"I don't care if you're the best nursing student in America! Here, you are a student! At kung hindi mo kayang rumespeto sa mga guro mo, then maybe Lolo was right—kailangan mo talagang bantayan bawat minuto!"
Hinawakan ni Ethan ang braso ni TJ, hindi para saktan, kundi para giyahan siya patungo sa sasakyan. "Where are we going?" tanong ni TJ.
"Sa mansyon. Doon mo itutuloy ang IV insertion... pero sa akin mo gagawin. If you think you're so good, then do it on a real person. Let's see if your hands won't shake when it's my vein you're hitting," hamon ni Ethan.
Natigilan si TJ. Si Ethan, gagawin siyang practice dummy? Gusto lang nitong patunayan na puro yabang ang dalaga.
Pagdating sa mansyon, dumeretso sila sa study room ni Ethan. Kinuha ni Ethan ang isang medical kit na ipinahanda niya—kumpletong gamit para sa IV insertion. "Maupo ka," utos ni Ethan. Tinanggal niya ang kanyang mamahaling suit jacket at tinupi ang manggas ng kanyang polo hanggang siko, inilalantad ang kanyang matitigas at ugatang braso.
"You're crazy, Ethan. Isang maling galaw ko lang, puwede kang magka-hematoma," babala ni TJ, bagaman bumibilis na ang t***k ng puso niya.
"I thought you were an expert? Gawin mo na. Patunayan mong hindi ka lang puro yabang," hamon ni Ethan sabay lapat ng kanyang braso sa mesa.
Huminga nang malalim si TJ. Inihanda niya ang tourniquet, alcohol, at ang needle. Lumapit siya kay Ethan, sapat na para maamoy niya ang bango nito—isang halo ng sandalwood at peppermint na tila nakakalasing.
Dahan-dahang itinali ni TJ ang tourniquet sa braso ni Ethan. Bilang nursing student, alam niya ang ginagawa niya, pero ngayon, nanginginig ang kanyang mga daliri.
"Don't move," bulong ni TJ.
"I'm not moving. You're the one shaking," puna ni Ethan. Ang boses nito ay mababa at malalim, isang pabulong na nagpadagundong sa dibdib ng dalaga.
Yumuko si TJ para hanapin ang ugat sa braso ni Ethan. Dahil sa sobrang lapit, nararamdaman na niya ang init na nagmumula sa katawan ng lalaki. Ang kanyang buhok ay bahagyang dumadampi sa balikat ni Ethan. Sa bawat paghinga ni TJ, tumatama ito sa leeg ng abogado, na naging dahilan para mapalunok si Ethan at tumigas ang kanyang panga.
Nang mahanap ni TJ ang ugat, hinawakan niya ang kamay ni Ethan para i-steady ito. Sandali silang nagkatinginan. Ang mga mata ni Ethan ay nakapako sa mukha ni TJ—pinagmamasdan ang bawat kurap ng kanyang mahahabang pilik-mata at ang mapupulang labi nito na bahagyang nakabukas dahil sa konsentrasyon.
Tila tumigil ang oras. Nawala ang ingay ng paligid. Ang tanging naririnig ni TJ ay ang sarili niyang pintig ng puso na nakikipagkarera sa bilis.
"TJ..." mahinang tawag ni Ethan. Ang boses niya ay wala nang bahid ng galit, kundi isang kakaibang emosyon na hindi niya maipaliwanag.
Nabitawan ni TJ ang alcohol swab. Hindi siya makagalaw. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha—isang maling galaw lang ay baka magtagpo na ang kanilang mga labi. Ramdam ni TJ ang kuryenteng dumadaloy mula sa kamay ni Ethan patungo sa kanya.
"I... I can't find the vein," pagsisinungaling ni TJ, bagaman kitang-kita na ang ugat ni Ethan. Mabilis siyang lumayo at tumayo, pilit na inaayos ang sarili.
Nakahinga lang nang maluwag si Ethan nang lumayo ang dalaga, pero ang kanyang puso ay hindi pa rin kumakalma. "You're... you're making excuses. Sabi ko na nga ba, kailangan mo pang mag-practice."
"Whatever! Nakakasawa na ang mukha mo kaya hindi ako makapag-concentrate!" palusot ni TJ sabay mabilis na niligpit ang mga gamit.
Naiwan si Ethan sa study room, nakatingin sa kanyang braso kung saan hinawakan siya ni TJ. Ang init ng balat ng dalaga ay tila bakas pa rin doon.
Sa kabilang banda, patakbong pumasok si TJ sa kanyang kwarto at isinandal ang likod sa pinto. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. "Ano 'yun? Bakit ganun ang naramdaman ko? He's my guardian! He's my Lolo's trusted man!"
Kahit anong pilit niyang itanggi, alam niyang simula sa gabing iyon, hindi na lang basta "istriktong abogado" ang tingin niya kay Ethan. At si Ethan, nagsisimula na ring mapagtanto na ang pagbabantay kay TJ ay magiging pinakamahirap na kaso na hahawakan niya—hindi dahil sa pagiging pasaway ng dalaga, kundi dahil sa damdaming hindi dapat naroroon.