Hindi pa man nakabubuka ang mga labi ni TJ para sumagot, mabilis nang sumingit ang kalmado at swabeng boses ni Ethan."She’s more than capable, Dean. She just needs a little... guidance."
Awtomatikong napalingon si TJ sa kanya, kasabay ng pagngangalit ng kanyang panga.
"Guidance? " singhal ni TJ, walang pakialam kung magtunog bastos man siya sa harap ng pinuno ng pakultad. "I don't need guidance. I need my transcript processed so I can get this over with."
Sa halip na magalit o mainsulto, isang maikling tawa ang narinig mula sa Dean, tila naaliw sa tapang ng dalaga."Matapang. Bagay siya rito."
Ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha, pinalitan ng istriktong aura ng isang administrador. Tumingin siya kay Ethan. "Pero Ethan, alam mo naman ang rules natin. Since late transfer siya, kailangan niya ng isang guardian na laging reachable. Ikaw ba 'yun? "
"Yes, Dean," walang pag-aalinlangang sagot ni Ethan habang nakatayo nang tuwid. Seryoso ang kanyang mukha nang akuhin ang responsibilidad para sa tila bagyong kasama niya. "Ako ang nakapirma sa lahat ng documents niya bilang legal guardian."
Muling tumahimik ang silid, at ang tanging naririnig na lamang ay ang paggasgas ng fountain pen ng Dean sa mga enrollment form.
Subalit hindi nagtagal ang katahimikang iyon. Dahan-dahang bumukas ang mabigat na kahoy na pinto ng opisina, at isang kabataang student assistant ang kabit-kabit ang kaba na pumasok, habang yakap-yakap ang isang manila folder sa kanyang dibdib.
"Dean, may problema po sa records ni Ms. Silverio," bulong ng assistant, iniiwasang magtagpo ang kanilang mga mata dahil sa talim ng titig ni TJ. "Kulang po ng isang subject—Philippine History and Constitution. Kailangan niya itong i-take as a minor, or else hindi siya makaka-graduate."
Tuluyan nang naubos ang pasensya ni TJ kaya naman napataas na lamang siya ng kanyang mga kamay.
"What? I already took History in LA! " galit na reklamo niya.
"Iba ang history ng Pilipinas sa history ng America, TJ," mahinahong paliwanag ni Ethan, pilit na pinapakalma ang tensyong namumuo sa pagitan ng dalaga at ng Dean. "Don't worry, I'll tutor you on that. Since law is my field, I can help you with the Constitution part."
Tiningnan ni TJ si Ethan nang matalim, tila ba mas lalo lamang siyang nayamot sa narinig na alok. "You? Tutoring me? Sa bahay na nga kita kasama, pati ba naman sa pag-aaral ko?"
"Kasama iyon sa deal natin kay Lolo, TJ," simpleng sagot ni Ethan. Walang ano-ano'y iniabot niya ang bagong gawang ID ng dalaga, na tila hudyat na pinal na ang lahat at wala na siyang magagawa pa. "Welcome to the university, Ms. Silverio. Your classes start tomorrow. 7:00 AM. I'll be the one to drop you off at your building."
Eksaktong alas-sais ng umaga kinabukasan, halos mawasak ang pinto ng kwarto ni TJ sa lakas ng katok ni Ethan. Ramdam ang awtoridad at kawalan ng pasensya sa bawat bagsak ng kanyang kamao sa kahoy.
"TJ, five minutes! Kapag hindi ka pa lumabas, papasok ako dyan at bubuhatin kita pababa. I’m not kidding," seryosong boses ni Ethan mula sa labas.
Dahil sa inis, padabog na binuksan ni TJ ang pinto. Nakasuot na siya ng kanyang Nursing uniform—isang malinis at puting-puting dress na saktong hapit sa kanyang magandang pangangatawan. Nakaayos at nakapusod na rin ang kanyang buhok, at kahit simpleng light makeup lang ang gamit niya ay lutang na lutang pa rin ang natural nitong ganda na tila ba hinalaw mula sa ibang bansa.
"Stop shouting! I'm ready, okay?" asik ni TJ habang pinapantayan ang masungit na tingin ng lalaki.
Bahagyang napako ang tingin ni Ethan sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakita niyang maayos at pormal ang pananamit ng dalaga, malayo sa karaniwang pambahay o pang-alis na madalas nitong isuot sa LA. Hindi man niya maitatago ang panandaliang paghanga sa kanyang mga mata, agad din siyang umiwas ng tingin upang panatilihin ang kanyang seryosong disposisyon.
"Good. Let's go. Ayaw ni Lolo na nalalate ka sa unang araw mo," maikli niyang saad bago tumalikod at naglakad pababa.
Pagdating nila sa unibersidad, hindi lang basta sa tapat ng gate ibinaba ni Ethan si TJ. Ipinark niya nang maayos ang sasakyan sa parking lot at sabay silang bumaba, bagay na agad na kumuha sa atensyon ng mga kalapit na mag-aaral.
"What are you doing? I can walk to my building alone," reklamo ni TJ, bahagyang naiilang habang tinitingnan ang mga estudyanteng nagsisipaglingunan at nagbubulungan sa direksyon nilang dalawa.
"I promised Lolo I'd see you to your room," sagot ni Ethan habang walang reklamo nitong binuhat at binitbit ang ilang mabibigat na libro ni TJ, bago ito sinimulang gabayan patungo sa kanilang destinasyon.
Habang naglalakad sila sa hallway ng College of Nursing, tila tumitigil ang mundo ng mga estudyante. Ang kumbinasyon ng isang matikas na abogadong naka-suit at isang napakagandang Nursing student ay agaw-eksena sa paningin ng lahat. Ang bawat hakbang nina Ethan at TJ ay sinusundan ng mga mata ng mga nasa koridor.
"Look, isn't that Attorney Navarro? Sino yung kasama niya? Shocks, ang swerte naman ng girl!" bulong ng mga dumadaang estudyante na hindi mapigilang magpalingon-lingon.
Huminto sila sa tapat ng Room 302. Hinarap ni Ethan si TJ at iniabot ang mga libro nito nang may awtoridad.
"Dismissal is at 4:00 PM. I'll be waiting at the parking lot. No side trips, TJ. Isang tawag lang sa akin ng Dean na wala ka sa klase, kukunin ko ang phone mo," banta ni Ethan, seryoso ang boses at walang bakas ng biro.
"Whatever, Attorney. You're so suffocating," iritableng sagot ni TJ sabay irap. Pero bago pa man siya makahakbang papasok sa silid-aralan, isang mapangahas na boses ang biglang pumutol sa usapan nila.
"Whoa... is there a new angel in town?"
Isang matangkad na lalaki na naka-varsity jacket ang kumendeng papalapit sa kanila. Siya si Liam, ang captain ng basketball team at kilalang playboy sa buong campus. Diretsong tumingin si Liam kay TJ, binalewala ang matalim na presensya ng lalaking katabi nito.
"Hi, I'm Liam. 4th year Physical Therapy. If you're lost, I can show you around... angel," wika ni Liam sabay bigay ng isang mapang-akit na kindat kay TJ.
Bahagyang napangiti si TJ—hindi dahil sa nagustuhan niya ang banat ni Liam, kundi dahil nakita niya ang pagkakataon na bwisitin at asarin ang kanyang seryosong tagapagbantay.
"Actually, I'd love a tour. This guy here is just my... driver," kaswal na saad ni TJ na tila ba walang halaga ang lalaking nagpuyat para lang gisingin siya.
Dahil sa narinig, instant na nanigas ang panga ni Ethan. Humakbang siya nang isa palapit kay Liam, sapat na upang maramdaman ng varsity player ang nagpupuyos na awtoridad ng isang lisensyadong abogado.
"She’s not lost, and she doesn't need a tour," malamig at mariing sabi ni Ethan. Tinitigan niya si Liam mula ulo hanggang paa na tila binabasa ang bawat kahinaan nito. "And for your information, I am her guardian. Attorney Ethan Navarro. Now, if you'll excuse us, she has a class to attend."
Ramdam na ramdam ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki sa gitna ng hallway. Napalunok si Liam nang magproseso sa kanyang utak ang pangalan ni Ethan—ang sikat at kinatatakutang alumnus ng unibersidad.
"Pumasok ka na, TJ. Now," utos ni Ethan, ang boses ay mas madilim at mas matapang pa sa kapeng barako.
Walang nagawa si TJ kundi ang sumunod. Nang makapasok na ang dalaga sa classroom, naiwan si Ethan sa hallway na matalim pa ring nakatingin sa papalayong likod ni Liam na mabilis na naglakad palayo upang umiwas sa gulo.
Hindi lubos maunawaan ni Ethan kung bakit kumukulo ang kanyang dugo sa mga sandaling iyon. Dahil ba sa kawalan ng galang ng varsity player, o dahil sa pambihirang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti si TJ sa ibang lalaki?
"Anak ng... Guardian lang ako, Guardian lang," bulong niya sa sarili habang inis na inaayos ang kanyang kurbata. Mabilis siyang naglakad palayo sa gusali, bagaman ang kanyang isip at atensyon ay malinaw na naiwan sa loob ng Room 302.