Kalmado lamang na nakaupo si Don Ricardo sa kanyang paboritong armchair habang hawak ang isang baso ng whiskey. Walang bakas ng galit sa kanyang mukha, ngunit ang kanyang katahimikan ay mas nakakatakot kaysa sa anumang sigaw.
“Lo…” mahina lamang na naisambit ni TJ. Bigla siyang natauhan. Ang matapang at palabang “LA girl” ay tila naglaho nang makita ang kanyang lolo na halatang hindi natulog para lamang hintayin ang kanyang pag-uwi.
Sumunod si Ethan papasok sa sala at tahimik na tumayo sa gilid, handang saluhin ang anumang maaaring mangyari.
“Alas-tres na ng madaling araw, TJ,” mahinahong panimula ni Don Ricardo nang hindi man lang tumitingin sa apo. “Ganyan ba ang itinuro sa’yo sa America? Ang takasan ang pamilya mo habang nagluluksa?”
“Lo, I just… I needed to breathe. This place is suffocating me!” sagot ni TJ, nanginginig ang boses habang pilit na pinipigilan ang emosyon.
Dahan-dahang ibinaba ni Don Ricardo ang baso bago tumayo. Saglit siyang napatingin kay Ethan bago muling itinuon ang atensyon kay TJ.
“Namatay ang daddy mo na ang tanging hiling ay maging maayos ang kinabukasan mo. Pero sa nakikita ko, hindi mo kayang disiplinahin ang sarili mo,” mabigat na wika ng matanda. “Kaya simula ngayon, magkakaroon ng bagong mga patakaran sa mansyong ito.”
Tahimik na napalunok si TJ habang nakatitig sa kanyang lolo.
“Una—curfew. Dapat alas-otso pa lang ng gabi ay nasa loob ka na ng mansyon. Pangalawa—transportation. Wala kang gagamiting sasakyan maliban sa kotse ni Ethan. Siya ang maghahatid at magsusundo sa’yo sa unibersidad araw-araw. Pangatlo—allowance. Kukumpiskahin muna ang lahat ng credit cards mo. Si Ethan ang magbibigay sa’yo ng lingguhang allowance na sapat lamang para sa pag-aaral mo.”
“WHAT?!” hindi makapaniwalang sigaw ni TJ. “Lo, you can’t do that! Twenty-two na ako!”
“I can,” malamig ngunit diretsong sagot ni Don Ricardo. “Dahil ako ang legal guardian mo rito. At dahil hindi kita kayang bantayan nang dalawampu’t apat na oras…” Bahagya siyang lumingon kay Ethan. “…ibinibigay ko kay Ethan ang buong awtoridad na bantayan at disiplinahin ka. Ethan, simula bukas, gusto kong nasa Dean’s Office na kayo para sa enrollment niya. Huwag mo siyang iiwan hangga’t hindi siya nakakapasok sa klase.”
“Yes, Lolo,” agad na sagot ni Ethan, kahit ramdam niya ang matalim na titig ni TJ na tila gustong sumunog sa kanya sa galit.
Muling tumingin si Don Ricardo sa kanyang apo bago dahan-dahang naglakad paakyat ng hagdan. “Huwag mo akong subukan, TJ,” malamig niyang sabi. “Ginagawa ko ito dahil ayokong sa kulungan o kabaong kita susunduin sa susunod. Good night.”
Pagkaalis ng matanda, naiwan sina TJ at Ethan sa malawak at tahimik na sala. Ang galit ni TJ ay tuluyan nang bumaling sa lalaking nasa harap niya.
“You’re enjoying this, aren’t you?” matalim na tanong ni TJ. “Ang maging babysitter ko?”
Dahan-dahang lumapit si Ethan ng isang hakbang—sapat upang maramdaman ni TJ ang bigat ng kanyang presensya at awtoridad. “Believe me, TJ,” malamig na sagot ni Ethan, “mas gugustuhin ko pang magbasa ng sandamakmak na legal documents kaysa maghabol sa isang pasaway na katulad mo.” Bahagya siyang yumuko upang magpantay ang kanilang tingin. “Pero utos ito ni Lolo. So prepare yourself. Seven o’clock sharp tomorrow morning. And if you’re late… no breakfast.”
Tinalikuran siya ni Ethan at walang lingon-likod na naglakad paakyat ng hagdan, habang si TJ ay naiwan, mahigpit na nakakuyom ang mga kamao.
KINAUMAGAHAN (ENROLLMENT)
Alas-sais pa lang ng umaga ay gising na si Ethan. Maayos ang kanyang suot—isang puting *long-sleeved shirt* na nakatupi ang manggas at maong pants—handa para sa mahabang araw.
Eksaktong alas-siyete, kumatok si Ethan sa pinto ni TJ. "TJ, it’s 7:00. We’re leaving in thirty minutes," sigaw niya.
Pagkalipas ng limang minuto, bumukas ang pinto. Lumabas si TJ na gulo-gulo ang buhok, naka-oversized t-shirt, at walang balak magmadali. Tiningnan niya si Ethan nang may iritasyon.
"I told you, I'm not going," walang gana niyang sabi sabay talikod para bumalik sa kama.
Ngunit hindi siya hinayaan ni Ethan. Mabilis na humarang ang braso ni Ethan sa pinto. "Hindi ito pakiusap, TJ. You have twenty minutes to shower and get dressed, or I will literally carry you to the car in your pajamas."
Nanlaki ang mga mata ni TJ. "You wouldn't dare!"
"Try me," hamon ni Ethan. "And don't even think about wearing something that violates a university dress code. Nursing ang kukunin mo, hindi Fine Arts."
Padabog na pumasok si TJ sa banyo at ibinalibag ang pinto.
SA HAPAGKAINAN
Pagbaba nila, nandoon na si Don Ricardo. Napatingin ang matanda kay TJ na ngayon ay naka-simpleng puting blouse at maong pants.
"Good. Maaga kayong aalis," sabi ni Don Ricardo. "Ethan, narito ang mga dokumento ni TJ. Siguraduhin mong sa pinakamagandang Nursing school sa Maynila siya papasok."
"I can handle my own papers," sabat ni TJ habang kumuha ng toast. "I'm 22, hindi 12."
"Exactly. 22 ka na kaya dapat alam mo na ang salitang 'responsibility'," balik ni Ethan. "Let’s go. Ayaw ng mga Dean ang nale-late."
Sa loob ng sasakyan, isinalpak ni TJ ang kanyang headphones. Habang paalis, napansin ni Ethan na mahigpit ang hawak ni TJ sa folder.
"Don't worry," biglang sabi ni Ethan kahit alam niyang hindi siya naririnig. "I won't let anyone mess with you there."
Tumingin si TJ sa kanya, bahagyang ibinaba ang headphones. "What did you say?"
"Sabi ko, ayusin mo ang pag-upo mo. Malapit na tayo," pagsisinungaling ni Ethan.
Pagdating sa university, nakuha agad ng sasakyan ni Ethan ang atensyon ng mga security guard. Sinaluduhan pa siya.
"Bakit sila sumasaludo sa'yo? Are you some kind of a big deal here?" tanong ni TJ.
"I graduated here as Magna c*m Laude, and I occasionally give guest lectures for the Law department," simpleng sagot ni Ethan. "Just try to behave. My reputation is on the line."
Habang naglalakad sa campus, ramdam ang "Ethan Effect." Maraming estudyante ang napapahinto sa pagtingin sa kanila.
"Uy, si Attorney Navarro ba 'yan?" "Sino 'yung kasama niyang babae? Model ba 'yan?"
Narinig iyon ni TJ at bahagyang napangisi. "Looks like you have a fan club, Attorney. Baka gusto mong mag-autograph muna bago tayo mag-enroll?"
"Tumigil ka, TJ. Focus," saway ni Ethan, bagaman bahagya siyang nailang.
Sa Dean’s Office, agad silang pinapasok. "Ethan! My star student!" bati ng Dean. "At ito na ba ang tinutukoy ni Don Ricardo? The transfer student?"
"Yes, Dean. This is Therese Joyce Silverio," pakilala ni Ethan.
Tumingin ang Dean kay TJ. "Nursing, huh? Mahirap ang curriculum dito. Are you ready for the board exams here in the Philippines?"