Pagkabukas ng pinto, agad na bumungad sa kanya ang kanyang sekretarya na tila nagulat pa nang bahagya. Hindi ipinihalata ni Ethan ang anumang bakas ng kaba; ibinalik niya ang kanyang seryoso at propesyonal na aura bilang isang sikat na abogado. Lumapit siya sa lamesa nito habang bitbit ang ilang mga papeles. "Ito na 'yung mga natapos kong pirmahan na dokumento," pormal na wika ni Ethan habang inilalapag ang mga ito sa mesa ng assistant. "Tapos na rin ang closed-door meeting namin ni Ms. Silverio. Kung may hahanap sa akin, pakisabi na lang na i-schedule mamayang hapon." "Sige po, Attorney Navarro," mabilis na sagot ng sekretarya habang tinatanggap ang mga folder. Matapos ang mabilis na transaksyong iyon, hindi na nag-aksaya ng panahon si Ethan. Agad siyang lumingon at muling pumasok sa l

