Makalipas ang ilang oras, natapos na rin sa wakas ni Ethan ang lahat ng mga for review niyang kontrata. Sakto ring tumama ang orasan sa alas-singko ng hapon. Inunat niya ang kanyang mga bisig at pinatunog ang leeg bago humarap sa direksyon ng couch. "Baby..." tawag ni Ethan kay TJ, sinusubukan ang bago nilang tawagan na may kasamang malambing na ngiti. "Hmm?" tugon ni TJ nang hindi man lang itinataas ang tingin mula sa hawak na papel at ballpen. "Uwi na tayo," wika ni Ethan sabay shutdown ng kanyang laptop at tayo mula sa executive chair. Lumapit siya sa couch, ngunit nagtaka siya dahil seryosong-seryoso pa rin ang mukha ng dalaga habang may isinusulat. Nang sumilip si Ethan sa likuran nito upang tingnan kung ano ang pinagkakaabalahan ng kasintahan, laking gulat niya nang makitang nag-

