Pagdating nila sa parking lot, agad na pinagbuksan ni Ethan ng pinto si TJ nang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Matapos makapasok nang ligtas ang dalaga, mabilis naman siyang umikot papuntang driver's seat at sumakay na rin. Habang nasa biyahe sila pauwi, sadyang hindi maitago ni Ethan ang umaapaw na saya sa kanyang dibdib. Binuksan niya ang radyo at nang tumugtog ang isang pamilyar na kanta ay nagsimula siyang sumabay at mag-humming, tila ba nakalimutan ang kanyang karaniwang seryosong aura bilang abogado. "Wow, inspired ha..." wika ni TJ habang nakangiting nakatitig sa masayang mukha ng kasintahan. "Siyempre..." tugon naman ni Ethan. Dahan-dahan niyang binitiwan ang manibela gamit ang isang kamay upang abutin at hawakan nang mahigpit ang kamay ni TJ. "Alam mo, ngayon lang ak

