Agad namang ipinarada ni Ethan ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na ice cream store upang ibili ang dalaga. Mabilis siyang bumaba habang naiwan naman si TJ sa loob na nakangiti at masayang naghihintay habang pinapanood ang bago niyang kasintahan mula sa bintana ng kotse. Pagkaraan ng ilang minuto, mabilis din siyang nakabalik sa sasakyan bitbit ang isang cup ng paboritong ice cream ni TJ. Pagkabukas niya ng pinto, agad na sumalubong sa kanya ang nagniningning na mga mata ng dalaga. "Ito na ang ice cream ng baby ko," nakangiting wika ni Ethan sabay abot ng order kay TJ, kasabay ng marahang pagpisil sa ilong nito bago siya tuluyang umupo sa driver's seat. "Wow! Thank you, Ethan!" masayang sagot ni TJ habang mabilis na tinatanggap ang cup. "Kahit kailan talaga, alam na alam mo kung anon

