"Grabe ka sa akin, Ethan..." wika ni TJ habang nanlalaki ang mga mata, tila hindi makapaniwala sa narinig. "Ibig sabihin, dati nakikipag-date ka palagi?" "Hmm... paano ko ba i-explain sa'yo..." kamot-ulong wika ni Ethan habang naghahanap ng tamang salita. Ayaw naman niyang magtunog babaero sa harap ng bago niyang kasintahan. "Kasi TJ, binata ako. May mga naging girlfriend naman ako noon, pero dahil sa work ko, sobrang busy. Hindi naman tumatagal. Hindi ko kasi kaya 'yung palaging nakabuntot ang karelasyon, tapos ang dami ko pang meetings." Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan habang pinalalalim ni Ethan ang paliwanag. "Saka madalas, out of the country 'yung mga meetings ko. Nitong dumating ka na nga lang ako pinirmi ni Lolo sa Pinas, eh. Pero dati, balik-balik ako sa Singapore, Brunei

