Pagdating nila sa harap ng mansyon, napansin ni TJ na wala pa ang sasakyan ni Lolo Ricardo. Agad siyang bumaba ng kotse, ngunit hindi siya dumeritso sa loob. Huminto siya sa semento at hinintay si Ethan na makababa at mai-lock ang sasakyan. Gusto niyang sabay silang pumasok, isang maliit na gawi na unti-unti nang nagiging natural sa kanilang dalawa. Nang makalapit si Ethan, walang pag-aalinlangang kumapit si TJ sa braso ng binata. Ramdam niya ang tigas ng masel nito sa ilalim ng polo na basa pa rin ng pawis. "TJ, madumi ako..." pigil ni Ethan sa kanya, bagaman hindi naman niya binabawi ang braso. Tiningnan niya ang dalaga na tila nagpapaalala. "Nagpalit nga ako ng gulong diba? Pati kamay ko, ang dumi pa. Baka madumihan 'yang damit mo." Tiningnan ni TJ ang mga kamay ni Ethan na may bakas

