Habang seryosong nakikipag-diskurso si Ethan sa kanyang mga kliyente sa monitor, hindi niya maiwasang mapulyapan si TJ sa kanto ng kanyang mga mata. Totoo ngang tahimik ito, pero hindi naman ito mapakali. Para itong batang hindi alam ang gagawin sa sarili—maya-maya ay itataas ang mga paa sa sandalan ng sofa, maya-maya ay hihiga nang pabaligtad, at maya-maya naman ay dadapa habang naglalalaro sa kanyang phone. Napapangiti na lang si Ethan nang palihim habang nagpapaliwanag tungkol sa isang clause ng kontrata. Hindi niya lubos akalain na ang TJ Silverio na matapang, mataray, at tila laging handang makipag-away noong sinundo nila sa airport kasama si Lolo Ricardo ay may ganitong side. Sa likod ng tough exterior nito ay isang makulit at masayahing babae na kayang gawing buhay na buhay

