CHAPTER 14

1192 Words

Pagkatapos uminom ng tubig, mabilis na tumayo si TJ na tila ba nanalo sa isang loterya. Ang kaninang kunwaring lungkot sa kanyang mukha ay napalitan ng wagas na katuwaan. "Thank you, Lo!" masayang wika niya sabay halik sa pisngi ng matanda. Hindi pa siya nakuntento at niyakap pa niya nang mahigpit sa leeg si Don Ricardo. "Goodnight po!" At bago pa man makapag-react ang sinuman, lumapit din siya kay Ethan. Inabot niya ang leeg nito at niyakap din nang mahigpit, dahilan para mag-stiff ang buong katawan ng abogado. Amoy na amoy ni Ethan ang bango ng buhok ni TJ na tila ba naging pampagulo sa kanyang konsentrasyon. "Goodnight, Ethan..." bulong ni TJ. Akma na rin siyang hahalik sa pisngi nito—isang nakasanayang lambing na ginagawa niya kay Lolo Ricardo pero bago pa man dumapo ang labi niya,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD