Nagising si TJ na medyo lito pa sa paligid. Ang unang tumambad sa paningin niya ay si Ethan na nakatayo malapit sa kanya, hawak ang isang tasa ng kape habang tahimik na nakatitig sa kanya. Sa gulat ni TJ, halos mapatalon siya sa sofa. "Mukhang pagod na pagod sa school, ha?" nakangiting wika ni Ethan—isang tunay at malambot na ngiti na bihirang masilayan ng kahit sino. Napansin ni TJ na nakapatong sa kanya ang suit jacket ni Ethan. Agad niyang naramdaman ang pamilyar na bango ng lalaki na humahalimuyak sa tela. Ramdam niya ang init sa kanyang mga pisngi habang tinitiklop ang jacket. "Tara na, ayusin mo ang sarili mo. Baka akala sa labas anong ginawa ko sa iyo," biro ni Ethan bago tumalikod at bumalik sa kanyang table para i-turn off ang kanyang laptop. Tumayo si TJ at mabilis na inayos

