"Mainit ka! Nilalagnat ka ata, apo," nag-aalalang wika ni Lolo Ricardo matapos maramdaman ang init ng noo at leeg ni TJ. Agad itong tumawag ng katulong para kunin ang thermometer. Nang lumabas ang resulta, mataas nga ang temperatura ni TJ. "Hindi ka na papasok. Magpahinga ka rito," utos ni Lolo Ricardo na hindi matanggap ang pagtutol. "Pero Lo, exam namin sa History ngayon! 'Yun 'yung inaral namin ni Ethan kagabi... sayang naman," pagpipilit ni TJ kahit na nanginginig na ang kanyang boses sa ginaw. Dahil sa katigasan ng ulo at takot na mabigo ang pagod ni Ethan sa pagtuturo sa kanya, nakumbinsi niya rin ang lolo na payagan siyang pumasok para lang sa exam. Ngunit pagdating sa school, halos hindi na mabasa ni TJ ang mga tanong sa test paper. Ang bawat letra ay tila sumasayaw, at ang

