"Kain pa, kahit kaunti lang. Kailangan mo ng lakas para labanan 'yang lagnat mo," panghihikayat ni Ethan habang masusing binabantayan ang bawat subo ni TJ. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, lalo na’t nakikita niyang parang nakikipaglaban si TJ sa bawat paglunok. "Gusto mo pa-check up na kita? Kasi hindi pa rin nawawala 'yung lagnat mo, pabalik-balik lang," seryosong mungkahi ni Ethan. "Hindi na... Okay lang ako. Need ko lang mag-rest," matamlay na sagot ni TJ, sabay tingin nang masama kay Ethan. "Nilagnat lang naman ako kasi sinusungitan mo 'ko." Bahagyang natawa si Ethan sa hirit ng dalaga, isang pambihirang pagkakataon na makitang lumambot ang istriktong abogado. "Nakakalagnat pala 'yun? Sige, hindi na muna kita susungitan. Aalagaan na lang muna kita, pero ngayon lang 'to dahil

