Pagdating sa ER, mabilis na humingi si Ethan ng tulong sa mga medical staff. Hindi na niya hinintay na makalakad pa si TJ; agad niya itong binuhat papasok habang mabilis namang nagdala ng wheelchair ang mga nurse. “Anong nangyari?” tanong ng attending physician habang chine-check ang vital signs ni TJ. “Two days na siyang nilalagnat. Pabalik-balik iyon, pero kanina umakyat na sa 39.3°C,” mabilis ngunit mahinahong paliwanag ni Ethan. Bagama’t kalmado ang kanyang boses, halata ang pag-aalala rito. “May ubo at sipon din siya, at kahapon ng umaga ay hinimatay siya sa school.” Agad na ikinabit ng nurse ang oxygen monitor sa daliri ni TJ at nagsimulang kumuha ng dugo para sa laboratory tests. Si TJ naman ay halos wala nang malay sa paligid, nakapikit lamang habang hinahayaan ang mga nurse na

