Dahan-dahang umakyat si Ethan sa hagdan, tinitiyak na walang nalilikhang ingay ang bawat hakbang niya. Nang makarating sa tapat ng kwarto ni TJ, dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob. Gaya ng napag-usapan, naka-lock ito mula sa loob. Ngumiti nang bahagya si Ethan. Kinuha niya ang kanyang telepono at nag-text sa dalaga. “Baby, gising ka pa? Si Ethan ito. Nandito ako sa labas.” Hindi pa lumilipas ang isang minuto, narinig niya ang marahang pagpihit ng susi at dahan-dahang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya si TJ na nakasuot na ng pantulog, may hawak pang makapal na libro ng nursing. "Akala ko tulog ka na," bulong ni Ethan sabay pasok sa kwarto at marahang isinarado ang pinto. "Nag-aaral pa ako, marami pa akong kailangang i-memorize," sagot ni TJ, pero agad nitong ibinaba ang libro n

