Dahan-dahang pinihit ni Ethan ang doorknob at pumasok sa kwarto nang hindi na kumatok. Bumungad sa kanya si TJ na nakatayo sa tapat ng malaking bintana, nakatingin sa labas habang ang magkabilang kamay ay mahigpit na nakayukom sa kanyang tabi. Bakas pa rin sa tensyon ng kanyang mga balikat ang galit at emosyong pinagdaanan sa ibaba. Agad na lumapit si Ethan at marahang ipinuwesto ang sarili sa likod ng dalaga. Ikinulong niya si TJ sa isang mahigpit ngunit mapagpalang yakap, isinandal ang kanyang baba sa balikat nito habang ang kanyang mga bisig ay nakapulupot sa baywang ng kasintahan. Naramdaman ni Ethan ang marahas na pagbuntong-hininga ni TJ nang maramdaman ang kanyang presensya. Unti-unting lumuwag ang nakayukom nitong mga kamao. "Ang tapang naman ng baby ko," bulong ni Ethan sa tabi

