Chapter 86

1105 Words

Agad namang naupo ang dalawa sa mga bakanteng upuan sa hapag-kainan. Walang kurye-kuryenteng sumingit si Chelsie sa tabi ni Ethan, habang si Lola Amila naman ay pumosisyon mismo sa tabi ni TJ. Ramdam agad ang biglang pagbigat ng atmospera sa loob ng dining room. Palihim na napabuntong-hininga si TJ; parang nagkatotoo nga yata ang idinrowing niya kanina. Ang pagkakaiba lang, mukhang mas matindi pa ang sungay ng dalawang bagong dating sa totoong buhay. "Ethan, paabot naman ng juice," malanding wika ni Chelsie sabay dikit pa nang bahagya sa balikat ng abogado. Bago pa man kumilos si Ethan, maingat ngunit may diin niyang inilipat ang kanyang baso palayo kay Chelsie at pasimpleng umusog sa gawi ni TJ. "Nasa gitna ang pitsel, Chelsie. Kaya mo namang abutan 'yan." "TJ, kain ka pa," plastik na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD