Inihatid ni Ethan si TJ hanggang sa tapat ng pintuan ng silid nito. Binitawan niya ang balikat ng dalaga at hinarap ito nang may banayad na ekspresyon. "Magpahinga ka na... Bukas, After kong maihatid si Lolo sa airport, babalik muna ako rito para ihatid ka naman sa school," wika ni Ethan, tinitiyak na maayos ang magiging takbo ng araw ng dalaga kahit wala ang kanilang matanda. "Sige na, pumasok ka na." Tumalikod na si TJ at pumasok sa kanyang kwarto nang hindi man lang sumasagot o lumilingon muli. Naiwang nagtataka si Ethan sa tapat ng saradong pinto. Napahawak siya sa kanyang baba, bahagyang napapangiti na may halong pag-aalala. “Bakit parang biglang napipi ang senyorita ko? Kadalasan naman ay hindi 'yun nauubusan ng isasagot sa akin,” bulong niya sa sarili bago marahang naglakad patun

