Habang papasok sa mansyon, agad na bumungad sa sala si Lolo Ricardo. Ang kanyang presensya ay tila nagpabigat sa atmospera sa kabila ng kanyang simpleng pagbati. "Mabuti at dumating na kayo... ginabi na kayo," saad ng matanda. "Hi, Lo!" masayang bati ni TJ sabay lapit at yakap nang mahigpit sa kanyang lolo. Sumunod naman si Ethan na may bakas pa rin ng ngiti sa mga labi. "Good evening, Lo," magalang na wika ng abogado. Agad silang iginiya ng matanda patungo sa dining area. "Tara sa hapag-kainan at kumain na tayo... maya na kayo umakyat," utos ni Lolo Ricardo na sinunod naman agad ng dalawa. Tahimik silang naglakad. Pagkaupo sa kani-kanilang pwesto—si Lolo sa gitna habang nasa magkabilang gilid niya sina Ethan at TJ—nagsimulang magsalita ang matanda. "Kain na kayo," paanyaya ni Lolo. "

