"Goodnight, Ethan..." pabulong na wika ni TJ. Ang kanyang boses ay tila isang himig na nagpatahimik sa lahat ng ingay sa isip ng abogado. Dahan-dahang itinaas ni TJ ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi ni Ethan. Ang kanyang mga daliri ay marahang dumaan sa linya ng panga ng binata, tila kinakabisado ang bawat anggulo nito. Matapos ang haplos, hindi na niya inalis ang kanyang palad doon—hinayaan niyang manatili ang init ng kanyang kamay sa balat ni Ethan, isang tahimik na pag-angkin sa gitna ng kadiliman. Napapikit si Ethan sa haplos na iyon. Ang t***k ng puso niya, na kanina ay mabilis at tila nakikipagkarera, ay dahan-dahang kumalma at sumabay sa regular na paghinga ng dalaga. Hindi na siya nagprotesta. Sa halip, hinawakan niya ang kamay ni TJ na nasa kanyang pisngi at bahagya

