Mabilis na lumipas ang oras. Alas-singko pa lang ng hapon ay nakaparada na ang sedan ni Ethan sa University parking lot. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, may kakaibang pananabik at excitement siyang nararamdaman na makita si TJ ngayong araw—isang bagay na pilit niyang ipinagwawalang-bahala habang panay ang sulyap niya sa kanyang mamahaling relo. Nang pumatak ang 5:05 p.m., natanaw niya sa kanyang side mirror na sa wakas ay palabas na si TJ mula sa building ng campus. Ngunit biglang kumunot ang kanyang noo at nagbago ang timpla ng kanyang mukha nang makitang hinarang ang dalaga ng isang malaking grupo ng mga kababaihan. Sa pag-aakalang nasa panganib o naiipit sa gulo ang kanyang senyorita, mabilis na kumilos ang kanyang mga paa. Agad siyang lumabas ng kotse at patakbong nilapitan si

