Chapter65

1260 Words

"Kung hindi ka talaga komportable, hindi ko na gagawin... Huwag mo lang akong gawing hangin sa tabi mo," mapait at mababang wika ni Ethan. Bakas sa kanyang boses na nasasaktan din siya sa malamig na pakikitungo ng dalaga. Ang tila pagbabalewala at pag-iwas ni TJ sa binata upang itago ang sarili nitong kalituhan ay tila nagbunga ng hindi maganda. Ayaw niyang isipin ni Ethan na wala itong halaga o bigat sa kanya. "Hindi naman sa ganoon, Ethan..." mahinang tugon ni TJ, lumambot ang kanyang boses. "Mag-drive ka na lang, Huwag mo 'kong intindihin," wika pa niya sabay baling muli sa labas ng bintana upang itago ang nagbabadyang emosyon sa kanyang mukha. Sa gitna ng katahimikan ng biyahe, ibinaba ni Ethan ang isa niyang kamay mula sa manibela at dahan-dahang hinawakan ang kamay ni TJ na nakapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD