Hindi naman kumikibo si TJ habang naglalakad sila sa loob ng National Book Store. Blanko ang kanyang tingin sa mga estante ng mga libro, ngunit ang totoo ay malalim ang kanyang iniisip. Hindi niya lubos maisip na may pinsan pa pala siya rito sa mundo—mga kamag-anak na ngayon lang niya nakilala at nakita pagkatapos ng mahabang panahon na paninirahan niya sa ibang bansa. Bukod doon, may kung anong tila nakabara sa kanyang dibdib nang maalala kung paano pilit na lumalapit si Chelsie sa kanyang abogado. Pumasok sila sa dulo ng school supplies section. Napansin ni Ethan ang biglaang pagbago ng timpla ng mood ng dalaga. "TJ, okay ka lang?" marahang tanong ni Ethan. Lumapit siya sa likod nito at natural na humawak sa baywang ni TJ habang ang dalaga naman ay kunwaring abala sa paghahanap ng mga

