"Diyan ako sa room mo matutulog. Mag-shower lang ako," kaswal na wika ni TJ habang akmang bubuksan ang pinto ng kwarto ng abogado. Mabilis siyang hinawakan ni Ethan sa siko at marahang binaling pabalik sa tapat ng sarili nitong kwarto. "No, TJ... Doon ka na sa room mo, ihahatid na kita. Nandito na si Lolo. Nung nakaraan, wala siya kaya payag akong magtabi tayo... Pero ngayon, balik ka sa room mo at dun ako sa room ko," seryoso ngunit may paglalambing na wika ni Ethan. "Pero Ethan... sige na..." pagmamaktol ni TJ, bahagyang nagpapadyak ng paa at nagpacute sa harap ng kasintahan. Hindi naman natiis ni Ethan ang ka-cute-an ng dalaga. Bago pa man makapagreklamo ulit si TJ, hinila na siya ni Ethan palapit at niyakap ang dalaga nang napakahigpit, tila ba ayaw na rin talaga itong bitawan kung

