“Can we talk?” Nagulat si Callynn nang biglang bumungad sa harapan niya si Jordan habang seryoso ang mukha nito. Ibang-iba sa Jordan na kilala niya. Mahilig kasi itong magbiro noon, pero ngayon, walang kangiti-ngiti ang mukha nito. Isang buwan na ang nakalilipas simula nang umalis siya sa poder ni Macarius dahil gusto niyang alamin ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Sumama siya sa babaeng nagpakilala bilang ina niya at napatunayan niya na totoo ang mga sinasabi nito dahil may mga papeles ito na ipinakita sa kaniya. May mga litrato rin ito na hawak noong baby pa siya hanggang sa mawala siya sa poder ng mga ito. Thirteen years old lang daw noong mabuntis ang ina niya pero kahit ganoon ay sinikap daw ng mga ito na maalagaan siya ng tama kaya noong nawala raw siya ay halos mabaliw ito.

