“Callynn, naaksidente si Mavi!” bungad sa kaniya ni Jordan kaya halos mamutla siya. "Ang daming dugo ng pagmumukha niya. Hindi na siya halos makilala. Pupuntahan mo ba siya o hindi?" “P-paanong naaksidente?” Hindi kaya dahil sa sobrang pagod kaya ito naaksidente? Kahapon kasi ay first birthday celebration ng kambal nila at halos ito lang ang nag-asikaso tapos kanina ay maaga naman itong pumasok sa opisina dahil nagkaroon daw ng emergency. “Nasaan siya ngayon?” “Nandoon sa kalsada.” “Sa kalsada? Bakit nandoon pa siya? Hindi niyo pa ba siya dinadala sa ospital?” “Hindi pa.” “Bakit?” “Ayaw niya kasing sumama sa ambulansiya hangga’t wala ka. Ang sabi niya, gusto niya raw muna kasing magpaalam sa iyo dahil baka hindi na siya maka-survive.” Hinatak niya ang kuwelyo ng suot nitong polo

