Kanina niya pa nakikita na nakatitig si Macarius sa kambal nila maging ang kaibigan nitong si Jordan. Nakauwi na sila kahapon pa dito sa malaking bahay ni Macarius. Nakahiga siya sa kama habang ang kambal naman ay magkatabing nakahiga sa crib ng mga ito. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ng dalawang ‘to dahil iisa lang ang ekspresyon ng mukha ng dalawang magkaibigan. “Bakit ganiyan kayo makatingin sa mga anak ko?” tanong niya sa mga ito dahilan para sabay na mapatingin sa kaniya ang dalawa. Umiling si Macarius samantalang si Jordan ay pinanlakihan siya ng ilong. Itong dalawang ‘to ay parang kambal dahil laging magkasama kaya halos magkamukha na rin. “Baby, our twins are so cute!” nakangiting sabi ni Macarius habang nakatingin sa kambal nila. “Kamukhang-kamukha ko sila, ‘di

