Paglabas ni Macarius mula sa delivery room ay nakita niya ang kaibigan niyang si Jordan na prenteng nakaupo habang nakasuot lang ng…brief? Ba’t naka-brief lang ang gagong ‘to? Kanina kasi ay hindi niya ito napansin dahil tinumbok niya agad ang kuwarto kung saan naroroon si Callynn. “Asshole,” tawag niya rito at bahagyang sinipa ang binti nito. “Ano ba ang tingin mo sa sarili mo? Ano ka, model?” Pinasadahan nito ang kabuuan niya sabay simangot. Ngayon niya lang naramdaman ang pananakit ng paa niya dahil tinakbo lang niya mula sa bahay niya hanggang sa makarating siya rito sa ospital dahil sa sobrang taranta. Hindi na niya naisip na gamitin ang sasakyan niya dahil nga ang gagong ‘to ay akala niya ay hihinto para sa pasakayin siya pero nagkamali siya. “Ba’t ang dumi mo?” tanong nito

