Episode 29

1930 Words

“Macarius, aalis lang ako sandali,” paalam ni Callynn kay Macarius. “May bibilhin lang ako. Ang dami kasing kulang sa paninda natin, eh.” Nakabalik na sila kahapon dito sa Maynila kaya balik na rin sa normal ang lahat maliban sa pakikitungo nila sa isa’t-isa. Si Macarius kasi ay sobrang sweet na sa kaniya na para bang maybahay siya nito. “Baby, ako na lang ang aalis. Ilista mo na lang kung ano ang mga bibilhin ko,” sabi nito habang nagwawalis ito sa harap ng bahay nila. Ilang linggo kasi silang nawala kaya medyo marumi na talaga pag-uwi nila gawa ng maraming tuyong dahon ang nalaglag mula sa puno ng mangga at caimito. “Tatapusin ko lang ‘to tapos aalis na ako.” "Ako na lang. Dito ka na lang," giit niya. Mariin itong umiling-iling. “Kung ganoon, tayong dalawa na lang ang umalis.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD