“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” concern na tanong ni Macarius sa kaniya. “Masakit pa ba?” “Oo, ayos na. Hindi na gaanong masakit,” sagot niya para hindi na ito mag-alala. Binilhan siya nito ng maraming pain reliever pero hindi siya uminom kahit na isa. “Iwanan mo na ako dahil baka maraming gagawin sa labas. Ayos lang ako kaya ‘wag kang mag-alala.” “Sorry.” Hindi matapos-tapos ang paghingi nito ng paumanhin. “Kapag maayos na maayos na ang pakiramdam mo, dadalhin kita sa treehouse ko.” “Treehouse mo? Paano ka nagkaroon ng treehouse rito?” takang tanong niya. “Kailan ka gumawa?” “Matagal na.” “Matagal na?” “Oo. Bawat isa sa amin ay may treehouse rito. Doon kami tumatambay kapag gusto naming mapag-isa.” “Ganoon ba?” “Pupunta tayo roon kapag hindi na masakit ang katawan mo. Sana buka

