Napansin niya na ilang araw na siyang hindi gaanong kinikibo ni Macarius simula nang sinabi niya na wala siyang balak pakasalan ito. Mukhang dinibdib yata nito ang sinabi niya kahit binibiro niya lang naman ito. Ito na rin ang halos nag-aalaga sa mga anak nila. Ito na rin ang nagpapakain at nagpapatulog. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kaniya o ayaw lang siya nitong mapagod. “Gusto mo ba ng gatas?” tanong niya rito dahil hatinggabi na pero nakaharap pa rin ito sa laptop nito imbes na matulog na. “Ipagtitimpla kita kung gusto mo.” Hindi kasi siya makatulog kapag alam niya na gising pa ito dahil baka magkasakit na naman ito kapag hinayaan na naman niya ito sa ganitong gawain. “No, thanks.” “Galit ka ba sa akin?” “No,” matipid nitong sagot ng hindi man lang siya nililingon kaya

