Habang kumakain ang mga kaibigan ni Macarius ay mariin talaga siyang nakamasid habang hawak niya ang kamay ni Macarius. Ang mga kaibigan nito ay titig na titig sa mga kamay nila na tila ba ngayon lang ito nakakita ng dalawang taong magkahawak ang mga kamay. Nakita niya na palihim na kinalabit ni Jordan ang balikat ni Macarius dahilan para samaan niya ito ng tingin. “Ano ‘yan?” sita niya kay Jordan. “Ano’ng ibig sabihin ng pagkalabit mong ‘yan?” “Gusto pa raw nila ng kanin,” mahinang sabi ni Macarius. “Sandukan mo na lang sila tapos bilangin mo na lang kung ilan na ang halaga nang kinain nila. Nalito na kasi ako sa dami ng kinain nila, eh.” “Limang libo na ang halaga ng kinain nila, Macky,” aniya dahilan para mapaubo sina Jordan at Jed. Sina Vincent, Gabriel at Isaac naman ay mabili

